COVID vaccination ng mga health workers aarangkada na sa Pebrero 15 –  Palasyo

Imahe mula s PageOne
  • Magsisimula na sa Pebrero 15 ang vaccination kontra COVID para sa mga health workers
  • Darating na kasi sa bansa ang unang batch ng Pfizer-BioNTech vaccine na 117,000 doses
  • Susunod na rin ang 5.5 hanggang 9.2 milyong doses ng AstraZeneca vaccine sa mga susunod na linggo

Magsisimula na ang vaccination kontra COVID-19 para sa mga health workers at medical frontliners nitong darating na Pebrero 15 ayon sa Malakanyang.

Ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Linggo na darating na sa bansa ang unang batch ng Pfizer-BioNTech na 117,000 doses na nakatakdang iturok sa mga health workers na nasa masterlist ng gobyerno.

Imahe mula sa CNBC

Target din ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng health frontliners sa bansa sa loob lamang ng isang buwan.

“Inaasahan nating magsisimula na tayo sa akinse (ng Pebrero).  Sa katunayan, ‘yung mga medical frontliner, kumpleto na po ang mga pangalan nila,” ani Roque.

Inaasahang darating na rin ang 5.5 hanggang 9.2 million doses ng AstraZeneca vaccine sa katapusan ng buwan o sa unang linggo ng Marso.

Kabilang umano sa uunahin ay mga empleyadong nagtatrabaho sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan, at East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Sec. Roque| Imahe mula sa Palawan News

“Inaasahan natin na lahat nung nasa paunang frontliners natin na humigit kumulang 1.4 million, hindi aabot ng isang buwan para matapos natin lahat ng medical frontliners,” ayon pa kay Roque.

Maliban sa mga health workers, kabilang din sa priority list o Group A ay mga indigent senior citizens; indigent population; at mga uniformed personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Cafgu.

Kabilang naman sa Group B ay mga teachers; social workers; government workers; essential workers na hindi kabilang sa health, education, social welfare sectors tulad ng agriculture, food industry, transportation, tourism, manufacturing at construction, at iba pa; special groups tulad ng persons deprived of liberty (PDL), persons with disability (PWD); overseas Filipino workers (OFW) at iba pang katulad na workforce.

Source :

GMA News, RMN, Remate

Loading…