Daan-daang vendors na naapektuhan ng road clearing operations tinulungan

Imahe mula kay Mayor Evelio "Bing" Leonardia
  • Tinulungan ng Bacolod City Government ang mga vendors na naapektuhan ng road clearing operations
  • Naglaan ang lokal na pamahalaan ng Bacolod City ng P3.74 million na ipinamamahagi sa 708 displaced vendors
  • Ang road clearing operations sa buong bansa ay magpapatuloy hanggang sa February 15, 2021

Naglaan ang Bacolod City Government ng halagang P3.74 million na ipinamamahagi sa mga vendors na naapektuhan ng isinasagawang road clearing operations sa siyudad.

Imahe mula kay Mayor Evelio “Bing” Leonardia

Batay sa social media post ni Mayor Evelio “Bing” Leonardia, umabot sa 708 vendors ang apektado ng road clearing operations na ipinag-utos ng national government sa pamamagitan ng isang presidential directive kaugnay na rin ng mga hakbang na ipinatutupad dahil sa COVID-19 pandemic.

“Section 4 (II) of Republic Act 11494, or the “Bayanihan to Recover as One Act,” provides that part of the COVID-19 Response and Recovery Interventions includes the regulation of traffic on all roads, streets and bridges, and access thereto and the prohibition against putting up of encroachments or obstacles,” saad ng alkalde sa kanyang Facebook post.

Ang road clearing operations sa buong bansa ay magpapatuloy hanggang sa February 15, 2021.

Ang bawat vendor ay makatatanggap ng P5,000 cash assistance.

Imahe mula sa Daily Guardian

Unang naipamahagi ng city government ang P1.7 million livelihood assistance para sa 340 displaced vendors.

Ang karagdagang P2.04 million ay ipinamamahagi sa 408 vendors kung saan ang 78 sa kanila ay nauna nang nakatanggap ng ayuda noong ika-29 ng Enero.

Ayon kay Mayor Leonardia, by batch ang ginagawang pamamahagi ng cash assistance upang masunod ang social o physical distancing rules. Aniya, matatapos ng Department of Social Services and Development ang pamamahagi ng ayuda ngayong linggong ito.

Imahe mula sa PNA

Pinangunahan ni Mayor Leonardia at Vice Mayor El Cid Familiaran ang pamamahagi ng ayuda, katuwang ang mga city councilors na sina Renecito Novero at Bartolome Orola.

Tumulong din sina Emergency Operations Center executive director and City Administrator Em Ang, DSSD head Pacita Tero, at Assistant City Administrator Atty. Allyn Luv Zamora-Dignadice.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, nanguna din ni Mayor Leonardia, katuwang ang DSSD sa pamamahagi ng mga trisikad at food carts sa mga napiling benepisyaryo.

Imahe mula kay Mayor Bing Leonardia
Source :

Facebook, Sunstar

Loading…