Dating janitor may sarili nang restaurant sa Australia sa edad na 25

Imahe mula kay John Andrew Dangca
  • Dating janitor, isa nang restaurant owner sa Australia ang isang 25 years old na Pinoy
  • Naglilinis si John Andrew Dangca ng mga hotel, shopping mall, opisina at kahit mga bahay habang nag-aaral ng isang diploma course sa Australia
  • Sa pagsisikap, unti-unti niyang nadala sa Australia ang pamilyang naiwan sa Pilipinas
  • Noong nakaraang taon lang niya naitayo ang sariling negosyo

Sipag at tiyaga ang naging puhunan ng isang Pinoy worker sa Australia upang matupad ang pangarap na makapiling doon ang mga kapamilyang naiwan sa Pilipinas at makapagsimula ng sariling negosyo. Mula sa pagiging isang janitor, isa na siya ngayong restaurant owner sa Australia sa murang edad na 25.

Screenshot mula sa GMA video

Ang kuwento ng tagumpay ni John Andrew Dangca na tubong Dasmariñas, Cavite ay nagsimula noong nineteen years old pa lang siya nang kunin siya ng mga kamag-anak na nasa Australia upang subukang makipagsapalaran doon.

Nakaramdam daw siya ng homesickness noong bago pa lang siya doon, pero dahil sa kagustuhang matulungan ang pamilyang nasa Pilipinas ay nagsumikap siya. Pinasok niya raw ang pagiging isang janitor.

Naglilinis umano siya sa mga hotel, shopping malls, opisina at kahit sa mga bahay. Kahit abala sa pagtatrabaho nagawa niyang isabay ang kanyang pag-aaral ng isang diploma course.

Nang matapos ang kurso ay nakapasok siya bilang isang assistant sa isang aged care facility, pero hindi raw niya iniwan ang pagiging janitor.

Imahe mula kay John Adrew Dangca

Mahirap daw ang ginagawa niya dahil pagkatapos sa isang trabaho ay lilipat naman siya sa isa pang trabaho. Kuwento niya, sa mga sasakyan na raw siya nakakatulog. Iyon na raw ang nagsisilbing pahinga niya.

“Maraming mga pagsubok katulad no’ng nakakatulog po ako doon sa train station. Dire-diretso po ako no’n papunta sa kabilang trabaho, ganyan. Sa bus, nakakatulog po. Parang doon na rin po ako nakakapagpahinga,” kuwento ni John Andrew.

Imahe mula kay John Andrew Dangca

Sulit naman daw ang lahat ng kanyang sakripisyo dahil unti-unti ay nadala niya sa Australia ang pamilya niya. Noong nakaraang taon lang ay nakapagbukas na siya ng sariling restaurant – ang Salu-Salo, na matatagpuan sa Canberra.

Inspiring at worth sharing ang kanyang kuwento!

Loading…