Dating Wowowee co-host sising-sisi sa 50,000 pieces milk tea na inorder para sa negosyo

Screenshot mula sa video ni RR Enriquez
  • RR Enriquez ibinahagi ang maling desisyon sa negosyo
  • Bumili siya ng 50,000 pieces ng milk tea na nagkakahalaga ng P6 million dahil sa akalang pagkakaguluhan din iyon tulad ng paninda niyang Cryolipo coffee, pero hindi ganoon ang nangyari
  • Kung hindi raw sana sobrang dami ng inorder niya ay magagamit niya ang pera pambili ng ibang products

Ibinahagi ng modelo at negosyanteng si RR Enriquez, na dating naging co-host ng Wowowee, ang maling desisyon na nagawa niya sa kanyang pagnenegosyo.

Screenshot mula sa video ni RR Enriquez

“Wanna know a secret? Mistakes that I did as a business owner during this pandemic?” panimula ni RR sa Instagram post niya kasama ang TikTok video kung saan ipinakita niya ang isang truck na puno ng inorder niyang mga milk tea.

Hindi raw sa pagmamalaki, umabot sa anim na milyong piso ang halaga ng 50,000 pieces ng mga milk tea na in-order niya para sa kanyang negosyo. Ibinabahagi raw niya ito upang ipaalam sa mga followers niya ang maling desisyon na nagawa.

“Ok I ordered 50 thousand pieces of Milk tea which cost me 6 million pesos. Yes not bragging I’m just being honest lang because I want to share with all of you the mistakes that I made during this pandemic. Para kapag naisipan nyong mag-business maiwasan n’yo ‘yung ganitong pagkakamali,” aniya.

Si RR ang may-ari ng Cryolipo Coffee with Collagen, isang herbal slimming tea, na ayon sa kanya ay sobrang mabenta. Kaya naisip niya na magtinda rin ng milk tea – ang Cryolipo Milk Tea.

Imahe mula sa Cryolipo Coffee

“Sobrang lakas ng Cryolipo coffee ko because I guess coffee is life. So I honestly thought na magiging kasing lakas din siya ng coffee kaya I ordered 50 thousand pieces agad and risk my 6 million. Natakot kasi ako na maubusan. Dahil 2 months bago mai-deliver ang products.. Eh ‘di ba sa coffee ubusan tayo palagi? Kaya sabi ko, hindi ko ito gagawin sa Milk tea. Order agad agad. Walang hesitations,” kuwento niya.

Imahe mula sa Cryolipo Coffee

Pero hindi pinagkaguluhan ang milk tea gaya ng kape niyang tinda. Mabenta naman daw iyon, hindi nga lang kagaya ng cryolipo coffee. Sigurado raw siya na mauubos din ang mga iyon.

Kung hindi raw sana sobrang dami ng inorder niya ay magagamit niya ang pera pambili ng ibang products. Kaya pinayuhan niya ang mga fans na nagbabalak magnegosyo na huwag tularan ang kanyang pagkakamali.

Screenshot mula sa Cryolipo Coffee by RR Enriquez Facebook page

Loading…