Derek Ramsay, Ellen Adarna umamin na sa kanilang relasyon

Imahe mula sa Instagram account ni Ellen Adarna
  • Derek Ramsay at Ellen Adarna inamin na mayroon silang relasyon
  • Sinabi ni Derek na walang nangyaring ligawan sa pagitan nila
  • Isang buwan na raw ang kanilang relasyon

Matapos ang mga haka-haka ng publiko tungkol sa tunay na relasyon ni Derek Ramsay at Ellen Adarna kasunod ng mga naglalabasang mga larawan nilang dalawa ay umamin na rin ang dalawa sa tunay na namamagitan sa kanila.

Imahe mula sa Instagram account ni Derek Ramsay

Sa panayam, inamin ni Derek na isang buwan na ang relasyon nila ni Ellen, pero sabi niya, walang ligawang nangyari.

“May relasyon kami, oo,” pag-amin ni Derek.

“It’s just nagkakilala kami, from the dinner, every day, ‘O, workout’,” anang aktor.

Para hindi isipin ng mga tao na si Ellen ang nanligaw sa kanya, nilinaw niya na siya ang madalas magyaya sa mga lakaran nila.

Ilang oras bago ang pag-amin, halos sabay silang nag-post sa social media ng litrato na magkasama sila.

Nagsimula ang mga ispekulasyon sa totoong relasyon nila nang kumalat sa socmed ang ilang litrato nilang dalawa sa dinner party sa bahay ng aktor noong nakaraang buwan kasama ang ilang mga kaibigan at kaanak.

Imahe mula sa Instagram account ni Derek Ramsay

Itinanggi naman nila agad ang mga haka-haka na may relasyon sila. Magkaibigan lang daw sila at magkapitbahay.

Mula noon ay sunud-sunod na ang pag-upload nila ng mga larawan na magkasama sila, kabilang na ang ginawa nilang “road trip” kasama si Elias, ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz, at ang boat ride kasama ang mga kaibigan habang kalong ni Derek ang natutulog na anak ni Ellen.

Imahe mula sa Instagram account ni Derek Ramsay

Inamin ng dalawa na isang buwan na ang relasyon nila.

Loading…