Detalye ng alokasyon ng parating na Sinovac vaccine pinag-aaralan pa

Imahe mula sa DW
  • Darating na sa bansa ang Sinovac vaccine sa mga susunod na araw
  • Nakatakda na ring umpisahan ang vaccination program sa Marso 1
  • Subalit pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang detalye ng alokasyon ng bakuna

Pinag-aaralan pa ng mga eksperto kung paano ang magiging alokasyon ng Sinovac vaccine na parating na sa bansa sa mga susunod na araw.

Sa joint statement na inilabas ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 (NTF), sinabi dito na hindi pa malinaw ang detalye ng napipintong roll-out ng bakuna at hinihintay ang rekomendasyon mula sa advisory group.

Imahe mula sa Facebook

“The Department of Health (DOH) and the National Task Force Against COVID-19 (NTF) jointly clarify that as of press time, specific details as to the allocation and subsequent rollout of the 600,000 donated SINOVAC doses are still being evaluated pending the official recommendation of the National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) and its approval by the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID),” ayon sa pahayag.

Kasunod ito ng napaulat na posibleng dumating na sa Pilipinas ang donasyong 600,000 doses ng Sinovac mula China sa loob ng dalawang araw. Maaari na rin umanong simulan ang vaccination program ng gobyerno simula sa Marso 1.

“The DOH and NTF confirm that the donated vaccines are scheduled to arrive within the next couple of days, with the arrival ceremony to be held at Villamor Airbase in Pasay City,” wika pa ng pahayag.

Nauna nang inilabas ng Palasyo ang plano para sa immunization program kung saan dapat ay maunang mababakunahan ang mga health workers, habang kasunod naman ay mga uniformed personnel ng AFP, PNP at katulad na ahensiya.

Imahe mula sa Twitter

Subalit, naglabas ng babala ang Food and Drugs Administration (FDA) na hindi dapat iturok sa mga health workers ang Sinovac vaccine dahil mababa ang efficacy rate nito na 50% lamang na ‘di umano akma sa nasabing grupo.

Samantala, pinaplantsa na rin ang detalye para sa planong arrival ceremony ng bakuna sa pakikipag-ugnayan ng Embassy of the People’s Republic of China.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang siya mismo ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac vaccine bilang tanda ng pasasalamat sa donasyon ng China.

Loading…