DFA Sec. Locsin kay Harry Roque: Huwag manghimasok sa larangan ng foreign affairs

Screenshot mula sa Inquirer video
  • DFA Sec. Locsin pinagsabihan si Harry Roque na huwag manghimasok sa usaping foreign affairs
  • Sinabi ni Locsin na hindi competent si Roque sa larangan ng foreign affairs
  • Sinagot naman ng Presidential Spokesman ang mensahe sa kanya ni Sec. Locsin at nagpaliwanag na hindi siya nanghihimasok sa trabaho ng ibang departamento

Sa isang Twitter post, pinagsabihan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. ang Presidential Spokesperson na si Harry Roque na huwag panghimasukan ang foreign affairs dahil wala itong sapat na kasanayan sa naturang larangan.

Imahe mula sa ABS-CBN via Sec. Teddy Locsin’s Twitter account

“I am not listening to Harry Roque. Love the guy but he’s not competent in this field. We do not go back to The Hague. We might lose what we won. Harry, lay off,” tweet ni Sec. Locsin.

“Harry, just lay off foreign affairs,” sabi pa ni Sec. Locsin sa isa pang Twitter post.

Ang mensahe ni Sec. Locsin kay Harry Roque ay kaugnay ng binitawan nitong pahayag na dapat idulog ng Pilipinas sa United Nations tribunal ang bagong batas ng China na nagbibigay ng pahintulot sa coast guard nito na paputukan ang mga foreign vessels na makikita sa mga islang inaangkin nito sa South China Sea.

“Ang China po hindi pupuwedeng dalhin sa International Court of Justice dahil wala po siyang consent na mag-litigate doon sa ICJ. Ang pupuwedeng gawin po ay diyan nga po sa International Tribunal for the Law of the Sea gaya ng ginawa natin, dahil by being a party to UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), she (China) also become a party to the compulsary dispute settlement mechanism,” ang pahayag ni Roque na inalmahan ni Sec.Locsin.

Sinagot naman ng Presidential Spokesman ang mensahe sa kanya ni Sec. Locsin at nagpaliwanag na hindi siya nanghihimasok sa trabaho ng ibang departamento.

Imahe mula sa ABS-CBN via Sec. Teddy Locsin’s Twitter account

“I love him back even more so. Tisoy kasi, ano,” aniya.

“Pero anyway, ang sa akin naman po ay the President is the chief architect of foreign policy pero hindi po tayo nanghihimasok. It is clear from our answer yesterday na we said theoretically, the only way or the only forum is the tribunal for the law of the sea. But the decision whether not to go there lies with the DFA as well as the Ministry of the Foreign Affairs of the other country,” paliwanag ni Roque.

Humingi ng paumanhin si Roque kay Locsin, subalit iginiit niya na hindi panghihimasok sa foreign affairs ang ginawa niya.

Source :

Inquirer, YouTube

Loading…