‘Di kumpleto birthday ko dahil wala ka’: Kim Domingo dinalaw ang puntod ng bestfriend sa kaniyang kaarawan

Imahe mula sa Facebook at Instagram | Kim Domingo
  • Dinalaw ng aktres na si Kim Domingo ang kaniyang yumaong bestfriend bilang bahagi ng pagdiriwang niya ng kaniyang kaarawan
  • Sampung taon nang matalik na magkaibigan sina Kim at Angelo Fango
  • Agosto noong isang taon ay sumakabilang-buhay si Angelo matapos ang pakikipaglaban sa malubhang karamdaman

Kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaniyang ika-26 na kaarawan ang aktres na si Kim Domingo at bahagi ng kaniyang pagdiriwang ay ang pagdalaw niya sa puntod ng kaniyang bestfriend na yumao Agosto noong isang taon.

Imahe mula sa Facebook | Kim Domingo

Sa Instagram stories ng aktres ay makikitang dinalhan niya ng bulaklak, pagkain, tubig, at alak ang kaibigan na si Angelo Fango.

“First birthday without you. Hindi kumpleto ang birthday ko dahil wala ka. But I know masaya ka na at palagi mo kaming binabantayan. I miss you so much! Love you, bes!” sabi pa ni Kim.

Marami ang naantig nang ibahagi ni Kim ang istorya ng 10 taong pagkakaibigan nila ni Angelo.

“Napakasakit. First of all, never sumagi sa isip ko na isusulat ko ang mga sinusulat ko ngayon. Dahil para sa akin, masyado pang maaga. Hindi pa ito ang panahon. But I guess ito na talaga ‘yon,” sabi niya sa lumang post.

Imahe mula sa Facebook | Kim Domingo

Saksi raw si Angelo sa mga panahon na hindi pa ganoon kaayos ang buhay ni Kim. Naroon din daw ito noong nagsisimula na siya sa show business.

Kaya naman nang magkasakit si Angelo ay hindi rin siya iniwan ni Kim. Hindi na idinetalye ni Kim kung ano ang naging sakit ni Angelo ngunit nagkaroon daw ito ng bukol. Negatibo rin daw ito sa COVID-19.

“Even if it’s really hard to accept, may parteng masaya na rin ako dahil hindi ka na mahihirapan. Hindi ko kayang makita kang hirap na hirap,” sabi pa ni Kim.

“Gusto ko lang malaman mo na “NO ONE WILL EVER REPLACE YOU, NO ONE!” Ikaw pa rin ang nag-iisa kong bestfriend. ‘Wag mo na akong isipin, kaya ko ‘to. Naging strong din ako dahil sa’yo. Maraming salamat sa lahat, Gel.”

Loading…