DITO Telecommunity hindi gagamit ng brand endorsers na mahal ang bayad gaya ng K-pop groups

Imahe mula sa DITO Telecommunity
  • Hindi gagastos ang DITO Telecommunity ng milyun-milyong piso para ibayad sa mga celebrity endorsers
  • Ang pera ay gagamitin na lang sa pagpapatayo ng mga cell towers at sa magandang serbisyo para sa mga consumers
  • Ang publiko raw ang magiging the best endorsers ng DITO

Hindi tutularan ng DITO Telecommunity, ang itinuturing na third telecommunications (telco) company sa bansa, ang mga kakumpetensya nitong mga kumpanya na nagbabayad ng mga sikat na personalidad bilang brand endorsers.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

Sa halip na gumastos ng malaking halaga para ipambayad sa mga endorsers na ito gaya ng mga popular na artista o maging ng mga Korean pop groups ay mas mabuti pang gamitin na lang daw ang pera sa pagpapatayo ng mga cell towers at para sa kapakinabangan ng mga consumers.

“We are not spending millions of millions of pesos to get big names. We’d better spend our money on towers and consumers,” sagot ni Adel Tamano, ang chief administrative officer ng DITO, sa tanong kung kukuha rin sila ng mga K-pop stars at iba pang celebrities bilang endorsers nila gaya ng ginawa ng PLDT at Globe.

Maaalalang kinuha ng Globe na endorser ang K-pop superstars na Blackpink. Ang mga Korean stars naman na sina Hyun Bin, Son Hye-jin at Park Seo Jun ang brand ambassadors ng PLDT.

Ang Korean boy band na BTS naman ang endorser ng Smart.

Sani bi Tamano, ang publiko raw ang magiging endorsers ng DITO Telecommunity.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

“Our best endorsers will be the public,” aniya.

Sisimulan ang commercial launching ng DITO sa Mindanao at Visayas sa March 8, 2021. Labimpitong siyudad at munisipalidad kabilang na ang Davao at Cebu sa mga unang mabibigyan ng serbisyo ng kumpanya.

Ang nationwide launching nito ay inaasahan sa June ng kalasukuyang taon.

Imahe mula sa DITO Telecommunity

Loading…