DNA test result sa mag-ina na nakapalitan daw ng sanggol sa Rizal, lumabas na negatibo rin

Screenshot mula sa KMJS video
  • Lumabas na ang resulta ng DNA test ng mag-ina na posibleng nakapalitan ng sanggol sa Rizal
  • Tulad ng unang mag-asawa na nagsabing napalitan ang kanilang anak, negative din ang resulta ng DNA test nila
  • Lumalabas na hindi nila tunay na anak ang mga sanggol na hawak nila
  • Ang tanong: Ang mga sanggol ba nila ang nagkapalitan o may iba pang sanggol sa nasangkot?

Ilang linggo nang tampok sa mga balita ang diumano’y baby switching na nangyari sa isang ospital matapos sabihin ng mag-asawang Marvin at Aphril mula sa Rodriguez, Rizal na hindi nila anak ang sanggol na ibinigay sa kanila.

Imahe mula sa KMJS

Una nang itinanggi ng ospital na ibang sanggol ang naibigay sa mag-asawa. Upang masiguro kung anak nila o hindi ang sanggol ay nagpa-DNA test ang mag-asawa sa tulong ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Lumabas sa resulta ng DNA test na hindi nga nila anak ang sanggol na kanilang inaaruga.

Dahil dito ay nagpa-DNA test na rin ang mag-ina na posibleng nakapalitan ng anak ni Marvin at Aphril.

Ang resulta – negative. Hindi nila anak ang sanggol na pinaniniwalaan nilang kanila.

“Ang DNA test na ginawa natin kay Margaret at sa sanggol niyang hawak…ang results po nito ay…negative,” pahayag ni Jaime Lazatin, ang CEO ng kumpanyang nagsagawa ng DNA test.

“Probability of Maternity: 0%. Ang ibig pong sabihin nito hindi po kayo ang biological mother ng hawak n’yong sanggol,” sabi pa ni Mr. Lazatin para kay Margaret.

Screenshot mula sa KMJS video

Hiningan ng KMJS ng reaksyon ang mag-asawang Margaret at Kim Jasper tungkol sa naging resulta ng DNA test.

Wika ni Kim Jasper, ipinagdasal nila na magkaroon sila ng kalakasan na tanggapin anuman ang maging resulta.

Malungkot naman si Margaret sa naging resulta, pero umaasa na rin siya na maibalik sa kanila ang tunay nilang baby. Sana rin daw ay makuha na rin ng mag-asawang Aphril at Marvin ang anak nila kung silang dalawa nga ang nagkapalitan.

Screenshot mula sa KMJS video

Sabi pa ni Kim Jasper, sana nga ay silang dalawang pamilya na lang ang sangkot sa nangyari upang mas maging madali ang pag-uwi ng mga sanggol sa kanilang tunay na pamilya.

Noong Sabado, ika-20 ng Pebrero, ay nagkasundo ang dalawang panig na personal na magkita. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nahagkan nila ang sanggol na posibleng ang tunay nilang anak.

Screenshot mula sa KMJS video

Sabay nang nagpakuha ang dalawang panig ng confirmatory DNA test upang malalaman kung ang mga anak nga nila ang nagkapalitan sa ospital.

May kasunod pa ang kuwentong ito. Abangan.

Samantala, damhin ang tensyon at kasabikan ng dalawang panig na maresolba na ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng video na ibinahagi ng GMA.

Loading…