Doktora nagpa-Tulfo dahil sa pamilyang hindi nagsabi na positibo sila sa COVID-19

Screenshot mula s Raffy Tulfo in Action video
  • Isang health frontliner ang dumulog kay Raffy Tulfo upang ireklamo ang barangay officials at isang pamilya sa Quezon City na hindi nagsabing COVID-19-positive sila
  • Sinisi ni Raffy Tulfo ang barangay chairman at kagawad na humahawak sa barangay medical team dahil sa kapabayaan
  • Ipararating umano ni Tulfo sa IATF ang kapabayaan ng mga barangay officials upang mabigyan ng sanction

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang doktora upang ireklamo ang chairman at medical team ng Barangay Greater Lagro sa Quezon City, at isang pamilya na hindi nagsabi sa kanya na positibo sila sa COVID-19 .

Screenshot mula s Raffy Tulfo in Action video

Lahad ni Dr. Rinna Flores-Enconado, siya talaga ang palaging tinatawag ng medical team kapag may pasyente sa barangay na nagangailangan ng doktor. Ito ay noong wala pang COVID-19 pandemic.

Nang magkaroon na ng pandemya, nilinaw ni Dr. Flores-Enconado sa medical team na kapag COVID-19 ang kaso ay hindi siya ang dapat tawagan. Mayroon daw protocol na sinusunod at alam daw ito ng barangay medical team.

Noong mga nagdaang buwan ay wala naman umanong naging problema, subalit nitong ilang araw lang ang nakalipas ay tumawag daw sa kanya ang medical team ng barangay dahil nakikiusap umano ang anak ng isang pasyente na mapatingnan ito sa doktor. Nanghihina raw ito at nahihilo.

Dahil nagmamakaawa ang anak ng pasyente ay pinagbigyan ito ni Dr. Flores-Enconado at agad nagtungo sa bahay ng pamilya.

Tumagal daw ng 20 minutes ang ginawa niyang pag-eksamin sa pasyente. At nang nagbibigay na siya ng instruction para sa pasyente ay nagsalita raw ang isang anak nito na naka-video call. Tinanong daw siya kung ano ang plano niya sa tatay nila.

Screenshot mula s Raffy Tulfo in Action video

Sinabi ni Dr. Flores-Enconado na kailangang magpalaboratoryo. At dito na niya nalaman na positibo sa COVID-19 ang pasyente. Sinabi kasi ng anak nito na hindi maaaring lumabas ang ama nila dahil positive ito sa COVID.

“Nag-hysterical na ako, sir. Parang gumuho ang mundo ko,” sabi ng doktora kay Raffy Tulfo.

Kinumpronta raw niya ang isang anak nito na naroroon kung bakit hindi sinabing positive ang tatay nila. Ni hindi raw pinagsuot ng face mask ang pasyente at maging ang mga bata sa loob ng bahay.

Ang sabi raw sa kanya ay ang pasyente lang ang positive sa pamilya nila, ngunit kalaunan ay napag-alaman ng doktora na walo sa pamilya ang COVID-19 positive.

Dahil sa salaysay ng doktora ay kinastigo ni Raffy Tulfo ang barangay chairman at ang konsehal na chairman ng medical team dahil sa kapabayaan ng mga ito. Alam na pala na positibo ang buong pamilya ngunit hindi dinala ang mga iyon sa quarantine facility.

Screenshot mula s Raffy Tulfo in Action video

Aniya, ipararating niya ang pangyayari sa IATF.

“Ikaw at si Chairman, dapat kayong mag-resign. Ipaparating namin ito sa IATF, sa mga kinauukulan, sa kataas-taasan, tingnan natin kung anong puwedeng mai-sanction sa inyo!”

Dahil sa nangyaring close contact sa pamilyang may COVID ay kinailangang i-quarantine si Dr. Flores-Enconado.

I-click ang imahe para sa video:

CLICK image to watch Raffy Tulfo in Action video
Source :

YouTube

Loading…