Doris Bigornia sasailalim sa maselang surgery; pamilya humihingi ng panalangin

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Ang Mutya ng Masa na si Doris Bigornia ay inatake umano sa puso
  • Ibinahagi ito ng kaniyang ‘SRO’ co-anchor na si Alvin Elchico Martes nang gabi
  • Humihingi naman ng panalangin ang pamilya ni Doris dahil sasailalim ito sa maselang surgery

Sasailalim sa maselang open-heart surgery ang tinaguriang ‘Mutya ng Masa’ na si Doris Bigornia matapos itong atakehin sa puso noong isang araw.

Ang co-anchor ni Doris sa DZMM Teleradyo na si Alvin Elchico ang unang nagbahagi ng nangyari sa kaniyang kasamahan nitong Martes nang gabi sa kanilang programang ‘SRO’.

Imahe mula sa DZMM Teleradyo – Facebook

May pahintulot umano mula sa pamilya ni Doris ang kaniyang pagsisiwalat sa kalagayan ngayon ng Mutya ng Masa. Marami raw kasi ang nagtatanong at naghahanap sa kaniyang co-anchor.

“Nagpaalam po ako sa pamilya ni Mutya ng Masa Doris Bigornia na sabihin po sa inyo, pinapasabi lang po, ang Mutya ng Masa, siya po’y inatake sa puso noong Linggo, papuntang Lunes,” bahagi ni Alvin.

Isinugod na sa pagamutan ang beteranang news correspondent at humihing ng panalangin ang kaniyang pamilya.

Screenshot mula sa ABS-CBN News video

“Siya po’y sinugod sa ospital at ngayon po’y nasa ICU. Kakailanganin po ng ano eh, open-heart surgery. So ang pamilya po ay humihingi po ng panalangin, so sa ngalan po ng pamilya ni Doris Bigornia, ang Mutya ng Masa, kami po sa DZMM Teleradyo ay humihingi po ng inyong panalangin,” patuloy pa ni Alvin.

Nakakausap pa naman daw ni Alvin si Doris dahil conscious pa ito subalit kailangang isailalim sa maselang operasyon sa puso anumang oras.

Si Doris ay kilala sa pagiging masayahin sa kanilang kuwelang tandem ni Alvin na ‘SRO’ na maririnig at mapapanood sa DZMM teleradyo tuwing gabi.

Siya ay nagdiwang ng kaniyang ika-55 kaarawan noong Pebrero 17. Kilala rin bilang field reporter ng ‘TV Patrol’ at ANC, ilang award na rin ang natanggap ng beteranang broadcaster sa mga nagdaang taon sa industriya.

Loading…