DOTr Sec. Tugade, LTO chief Galvante sermon ang inabot kay Presidential counsel Panelo dahil sa MVIS

Screenshot mula sa Counterpoint video
  • Sinabi ni Atty.Panelo na dahil sa kontrobersyal na MVIS na nais ipatupad ng LTO na nasa ilalim ng DOTr ay nadadamay pa ang Pangulo
  • Hindi na raw dapat umabot pa sa Palasyo ang problema, dapat ay sa level pa lang ng DOTr ay inayos na iyon
  • “You better shape up or ship out” ang mensahe ni Atty. Panelo kay DOTr Sec. Tugade at LTO chief Edgar Galvante

“Umayos kayo o lumayas kayo.” Ito ang mensaheng ipinaabot ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa ilang opisyal ng ahensya ng pamahalaan na nais ipatupad ang kontrobersyal na Motor Vehicle Inspection System (MVIS).

Screenshot mula sa Counterpoint video

Sa programa niyang Counterpoint, sinabi ni Atty. Panelo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr) na dapat pag-aralan munang mabuti ang ilababas na bagong patakaran upang hindi umani ng kontrobersya.

Aniya, nakakaladkad maging si Presidente Duterte dahil sa kontrobersya. Hindi na dapat umaabot pa sa lebel ng Pangulo ang ganoong klase ng problema. Dapat raw ay inayos na ito ng mga ahensya, partikular na ang DOTr.

“Secretary Art (Tugade ng DOTr), kaya pala hindi ka na nakaka-return ng call mukhang dinadagsa ka na ng problema ng mga bata mo diyan. Aba’y ayusin mo. Nakakaladkad tuloy ang Presidente rito, eh. Itong mga ito hindi na dapat nakakaabot  sa Palasyo,” ani Panelo.

Imahe mula sa AutoIndustriya

Ang MVIS ay isa raw pabigat sa mga motorista na apektado na nga ng pandemya ay madadagdagan pa ng gastusin na hindi naman kinakailangan. Sabi niya, mayroon na ngang smoke emission test, dinagdagan pa ng napakamahal na MVIS.

Matapos niyang pagsabihan si Sec. Tugade ay bumaling naman siya kay LTO chief Edgar Galvante.

Imahe mula sa LTO

“Ito pa isa, si Galvante. Hindi ko alam kung saang lupalop ka nanggaling. Binabanatan ka sa social media. ‘Yung interview mo…mali-mali ang mga sagot mo. Pinagtatawanan ka na, nilalait ka pa tuloy. O, eh di s’yempre damay na naman ang pamahalaan sa ’yo. Saan ka ba galing Asec. Galvante? Susmaryosep. Itong LTO chief, saan ba kinuha ito?” tila may pagkayamot na turan ni Panelo.

“You better shape up or ship out” wika pa niya para sa mga nabanggit na opisyal.

Loading…