Driver ipinakita ang malasakit sa mga pasahero sa kaniyang new normal jeep

Imahe mula sa Facebook | News5/Laila Chikadora
  • Hanga ang netizens sa isang jeepney driver na ipinakita ang malasakit sa kaniyang mga pasahero
  • Nag-isip siya ng paraan upang maiwasan ang interaksyon ng mga pasahero sa pag-aabot ng bayad
  • Bukod dito ay mayroon ding cashless payment options kagaya ng GCash at Paymaya

Hinangaan ng netizens ang isang jeepney driver na sinisiguradong ligtas ang kaniyang mga pasahero ngayong new normal hindi lamang sa COVID-19 kundi maging sa mga hindi inaasahang pangyayaring maaari nilang makasalubong sa daan.

Imahe mula sa Facebook | News5/Laila Chikadora

Ibinahagi ng radio DJ na si Laila Chikadora sa Facebook ang nakilala niyang driver na si Sanny Distor, dating company driver na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Kakaiba ang pinapasadang jeep ni Kuya Sanny na may biyaheng Santol-Quiapo dahil bukod sa sinusunod nito ang social distancing sa pamamagitan ng mga divider, mayroon din itong automatic alcohol dispenser at lalagyan ng bayad upang mabawasan na ang interaksyon ng mga pasahero sa pagpapaabot ng pamasahe.

Maaari ka ring magbayad sa pamamagitan ng GCash o PayMaya dahil nakapaskil ang number at QR code ni Kuya Sanny.

Kung nakalimutan mong magsuot ng face shield o kaya naman ay kailangan ng extra face mask, mayroon ding tinda si Kuya Sanny.

Imahe mula sa Facebook | News5/Laila Chikadora

Hindi rin niya nakalimutang maghanda ng first aid kit na kumpleto mula gasa, bulak, band aid, at alcohol. “Frontliners also get to ride his jeep for free! Wowowow!!! SANNY ALL! Mabuhay ka, Sanny! You made my day,” sabi pa ni Laila sa kaniyang post.

Napa-wow naman ang netizens dahil sa kumpletong serbisyo ni Sanny. “Nakatutuwa na sa kabila ng hirap na pinagdadaanan nating lahat, may tao pa rin na gumagawa ng paraan para sa ikabubuti ng lahat,” komento ni Grace Q.

Ang ilan naman, hiling na sana ay tularan si Sanny ng ibang jeepney driver. “Stay safe and healthy. Dapat talaga ganiyan para iwas abot ng bayad. Kawawa ‘yong nasa unahan, taga-abot ng bayad at sukli,” sabi naman ni April A.

Saludo kami sa’yo, Kuya Sanny!

Silipin dito ang jeep ni Kuya Sanny:

Source :

Facebook, News5

Loading…