Duterte pumayag na sa ‘no-disconnection policy’ para sa mga lifeline consumers ng kuryente

Imahe mula sa Meralco Power Club
  • Pinayagan na ng Pangulo ang pagpalawig sa ‘no-disconnection policy’ para sa mga lifeliners
  • Ito ay para sa mga kumokonsumo ng kuryente na hindi lalampas sa 100 kWh kada buwan
  • Maliit lang naman daw kasi ang kinukunsumo ng mga lifeliners, ayon sa DOE

Pumayag na si Pangulong Duterte na palawigin pa ang ‘no-disconnection policy’ ng mga electric company para sa mga ‘lifeliners’ o yaong mga mahihirap na maliit lang ang konsumo ng kuryente.

Ito ang inanunsiyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Huwebes; ilang araw matapos mapaso ang ibinigay na palugit ng Meralco para sa mga hindi pa nakapagbabayad ng kanilang electric bill simula nang magkaroon ng pandemya.

Imahe mula sa PNA

“In the Cabinet meeting yesterday, the Department of Energy recommended to the President that this no-disconnection policy for lifeliners be continued. Ipagpatuloy po,” ani Nograles.

Ang mga ‘lifeliners’ ay mga household na kumokonsumo lamang ng hindi lalampas sa 100 kWh kada buwan.

“And the President readily agreed given that electricity is a basic necessity our countrymen cannot live without,” ayon pa sa kalihim.

Dahil dito, makahihinga na raw nang maluwag ang kababayan natin na mababa o walang kita ngayon mula sa pangambang baka maputulan sila ng kuryente anumang oras dahil sa kabiguang magbayad ng bill.

Ayon kasi sa Energy department, maliit lang ang porsiyentong kinokonsumo ng mga ‘lifeliners’ kumpara sa kabuuang konsumo ng iba pang malalaking household.

Imahe mula sa Facebook | Anna Manalo-dela Paz

“According to the Department of Energy, while lifeliners comprise 32 percent of the customer base, they only account for 3 percent of electricity sales. So this is very doable,” paliwanag ni Nograles.

Noong Oktubre, napaso ang inilabas na moratorium ng Energy Regulation Commission (ERC) sa pagpuputol ng kuryente dahil sa pandemya subalit pinalawig ito hanggang katapusan ng 2020.

Bilang pag-unawa naman sa mga consumer na nahihirapan dahil sa krisis, pinalawig muli ng Meralco ang ERC moratorium hanggang sa katapusan ng Enero 2021 kung kailan sinabi nitong posibleng magsimula na silang magputol ng kuryente.

Loading…