Estudyante nag-donate sa children’s hospital matapos kumita nang malaki sa GameStop stocks

Screenshot mula sa Today video
  • Kumita ng halos $30,000 ang GameStop stocks ng isang college student mula sa Minneapolis
  • Nag-donate siya ng mga gaming consoles at video games sa isang children’s hospital sa Minnesota
  • Anim na Nintendo Switch consoles, ilang video games, e-shop cards at screen protectors ang donasyon niya na nagkakahalaga ng mahigit $2,000

Libo-libo ang kinita ng isang estudyante dahil sa pagsirit ng presyo ng GameStop stocks. Ibinili niya ng mga gaming consoles at video games ang bahagi ng kinita at ibigay ang mga iyon sa isang pagamutan para sa mga bata sa Minneapolis.

Iamahe mula sa Nutshell

Kumita si Hunter Kahn, 20-anyos na mechanical engineering student sa Cornell University ng halos $30,000 noong nakaraang linggo.

Ang bahagi nito ay ibinili niya ng anim na Nintendo Switch consoles, ilang video games, e-shop cards, screen protectors at cases bilang regalo para sa mga batang pasyente ng Children’s Minnesota Hospital sa Minneapolis.

Ang halaga ng GameStop shares ay tumaas ng 1,625% nitong nagdaaang buwan kaya malaki ang kinita ng mga nag-invest dito.

Si Kahn ay bumili ng GameStop stocks para makiisa sa isang movement o kilusan na pinasimulan ng mga amateur online traders mula sa Reddit online platform para patunayang mali ang mga “big boys on Wall Street” na nagsasabing babagsak ang presyo ng GameStop stocks.

Imahe mula sa Instagram aaccount ni Hunter Kahn

“As a beneficiary of the recent events on Wall Street I think it is important that myself and others pay forward our good fortune. These events have highlighted a lot of corruption and with this transfer of power it is important that we don’t become men in suits ourselves. I am proud to announce my humble donation of 6 Nintendo Switches and games to go with them to the Children’s Minnesota Hospital. Cant Stop. Won’t Stop,” post niya sa Instagram.

Umabot sa mahigit $2,000 ang donasyon ni Kahn.

Imahe mula sa Instagram aaccount ni Hunter Kahn

Lubos naman ang pasasalamat ng naturang pagamutan dahil sa sayang dulot ng donasyon niya sa mga batang pasyente.

“We’re so grateful for this generous donation that will help bring joy to kids at our hospitals, especially during these challenging times. It’s inspiring to see young people in our community choosing to give back and pay it forward,” wika ni Jennifer Soderholm, ang president ng Children’s Minnesota Foundation.

Sabi ni Kahn, napuno raw ng mga direct messages ang kanyang social media account dahil sa pasasalamat sa donasyong ginawa niya.

Imahe mula sa Instagram aaccount ni Hunter Kahn
Source :

Instagram, Today

Loading…