Face swap sa litrato ni Ez Mil kinaaliwan sa social media

Composite photo ni EZ Mil, Wil at Panelo
  • Nakaaaliw na edited photo ng “Panalo” rapper na si Ez Mil na ang mukha ay pinalitan ng mukha ng ibang tao, kumalat sa social media
  • Ang isa sa face swap na ginawa ay gumamit ng mukha ni Presidential legal counsel na si Atty. Salvador Panelo
  • Ang isa naman ay ginamitan ng mukha ni Willie Revillame at tinawag na “Ez Wil”

Sikat na talaga ang Filipino-American rapper na si Ez Mil. Ito ay simula nang mag-viral ang performance niya sa Wish Bus USA ng rap song niyang “Panalo” dalawang linggo pa lang ang nakalipas. Sa katunayan ay umabot na ang views nito sa mahigit 31 million simula nang ma-upload sa YouTube noong January 29, 2021.

Imahe mula sa Wish USA

Hindi lang ang rap song niya ang madalas maging laman ng mga balita ngayon kundi pati na rin ang larawan niya na kuha sa loob ng Wish Bus USA habang kinakanta ang viral rap song niya, na naging kontrobersyal dahil sa ginawa niyang ‘pagbabaluktot’ sa kasaysayan ng bayani ng si Lapu-Lapu.

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang mga kumalat na litrato niya na pinalitan ng mukha ng ilang sikat na personalidad sa bansa.

Naging popular ang face swap noon na agad ring nawala sa uso. Pero dahil kay Ez Mil ay ilang netizens ang muling nagkaroon ng interes sa paggawa nito bilang katuwaan.

Humakot ng sari-saring reaksyon mula sa social media users nang unang lumabas ang face swap ni Ez Mil at ni Atty. Salvador Panelo, ang chief presidential legal counsel. Bentang-benta sa mga netizens ang larawan ni Ez Mil na ang mukha ay pinalitan ng mukha ni Panelo.

Imahe mula sa Pun Page

Nilagyan pa ito ng caption na “Panelo,” na halos katunog ng rap song na “Panalo.”

Isang netizen naman ang nagbigay ng saya sa Wowowin host na si Willie Revillame, na kilala sa tawag na Kuya Wil o simpleng Wil, nang gamitin nito ang mukha ng show host kapalit ng mukha ng rapper.

Tinawag itong “Ez Wil.”

Dahil sa naturang edited photo ay tila na-inspire ulit si Kuya Wil, na isa ring recording artist, na gumawa ulit ng rap song. Nanawagan pa  nga siya sa mga sikat na Pinoy rappers tulad ni Andrew E at Loonie para igawa siya ng isang rap song.

Aniya, dati na raw siyang may rap song noon na ang pamagat ay “Ang Cute ng Pokemon.”

Screenshot mula sa video ng Wowowin-Tutok to Win

Loading…