Face-to-face classes proposals tinanggihan ni President Duterte

Imahe mula sa UNTV
  • Ni-reject ni Pres. Duterte ang proposals na mag-resume na ang face-to-face classes
  • Hangga’t wala pa raw nababakunahan sa bansa ay hindi pa maaari ang face-to-face classes
  • Ayaw umano ng Pangulo na malagay sa alanganin ang buhay ng mga mag-aaral

Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga panawagan na payagan nang muli ang pagsasagawa ng face-to-face classes. Ito ay upang hindi raw malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro dahil wala pang COVID-19 vaccine sa bansa.

Imahe mula sa PCOO

“Nagdesisyon na po ang ating Presidente na wala pa ring face-to-face classes. Tumawag po ang Presidente kagabi sa akin at sabi niya ayaw po niyang malagay sa alanganin ang buhay ng mga mag-aaral at guro habang wala pang nababakunahan sa bansa,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Maaari naman umano na ikonsidera ang face-to-face classes sa buwan ng Agosto sa mga lugar na mababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 infections.

Ibinahagi rin ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga pangamba ng Pangulo sa muling pagsasagawa ng face-to-face classes.

Sabi ng senador, “Mismong si Pangulong Duterte ay nag-aalangan pa at ayaw niya munang payagan ang face-to-face classes. Delikado pa po daw kasi ang panahon. Takot si Pangulo dahil ayon sa kanya, we are dealing with life here. Pwede namang sa next regular opening ng school year sa July o kapag ligtas na.

Imahe mula kay Sen. Bong Go

Matatandaang noong Disyembre ng nakarang taon ay binawi ng Pangulo ang approval niya na magsagawa ng pilot face-to-face classes sa mga itinuturing na low-risk areas na itinakdang magsimula noon sanang nakaraang buwan.

Gayumpaman, noong nakaraang buwan ay pinayagan niya ang limited face-to-face classes para sa mga medical at allied health courses sa mga institusyon sa lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine.

 

Loading…