Fangirl Sharon Cuneta handa nang kunin ni Lord kapag ipinakilala sa kanya ni Manny Pacquiao si Keanu Reeves

Imahe mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta
  • Sharon hiniling kay Manny at Jinkee Pacquiao na ipakilala sa kanya si Keanu Reeves
  • Kapag nakilala na ang Canadian actor ay handa na raw siyang kunin ni Lord
  • Si Keanu Reeves ay isa sa mga Hollywood celebrities na kaibigan ni Manny Pacquiao

Hiniling ni Megastar Sharon Cuneta kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao na ipakilala nito sa kanya ang Canadian actor na si Keanu Reeves. Handa na raw siyang kunin ni Lord kapag nakilala na niya ang aktor.

Imahe mula sa Instagram account ni Jinkee Pacquiao

Si Keanu Reeves ay isa sa mga Hollywood celebrities na kaibigan ni Pacquiao.

“Ako pare at mare ‘pag nag-isip kayo ever ng ano ba puede i-gift sa ‘kin, puwede makilala ko lang si Keanu Reeves tapos handa na ako kunin ni Lord! Hahahaha!” mensahe ng Megastar sa Instagram para sa mag-asawang Manny at Jinkee.

Sinabi ito ni Sharon matapos regaluhan ni Pacquiao ng autographed boxing gloves ang anak nitong si Miguel.

“My son Miguel is over the moon right now! His godfather/Ninong Sen. Manny Pacquiao sent him his promised autographed boxing glove!!! Thanks so much, Pare and Mareng Jinkee!!! Thanks so much for making my son so happy! We love you!!!” aniya.

Screenshot ng Instagram post ni Sharon Cuneta

Hindi ikinakaila ng Megastar ang malaking paghanga niya kay Keanu Reeves na muntik na niyang makilala nang personal pero hindi nangyari dahil lang hindi siya nagbukas ng email niya. Sabi niya, baka raw makalimutan niya lahat ng mabuting aral na itinuro sa kanya ng mga magulang at ng Bibliya kung natuloy ang pagkikita nila ng aktor.

Noong Disyembre ng nakaraang taon ay nakawala ang pambihirang tsansa na makilala niya nang personal si Keanu Reeves nang magsagawa ito ng online fundraising event para sa isang children’s hospital. Sumali si Sharon at nag-bid ng $70,000, pero na-outbid siya ng $100 ng isang bidder.

Screenshot ng Instagram post ni Sharon Cuneta

Nag-email sa kanya ang organizer kung gusto pa raw niyang mag-bid dahil ang winner sa bidding ay nag-back out dahil walang pambayad, pero hindi niya agad nabasa ang email.

“Waaaaaaaaaahhhh! I missed it because I didn’t open my dang e-mail! Oh well…Lord, sana may ganon pa po uli. Pero isip ko ayaw ni Lord makilala ko siya. Kasi baka makalimutan ko lahat ng kabutihang turo ng mga magulang ko at ng Bible sa kin. Juskopo,” sabi niya sa Instagram.

Loading…