Fans ng CocoJul, excited sa ‘matching background’ posts nina Coco Martin at Julia Montes

Image by cocojuls4ever via Instagram
  • Sa iisang bubong na nga ba nakatira sina Coco Martin at Julia Montes?
  • Mga tagahanga, napansin ang matching background ng mga social media posts ng dalawa
  • May sweet message si Julia sa hindi pinangalanang tao nitong Sabado

Gumawa ng ispekulasyon sa mga tagahanga ang mga social media photos nina Coco Martin at Julia Montes. May mga naghinala pa na nakatira na raw ang dalawa sa iisang bubong.

Image by cocojuls4ever via Instagram

Ibinahagi ng Instagram fan account na @cocojuls4ever ang mga larawan ng dalawa at pinagtabi-tabi ang mga ito para maipakita ang pagkakapareho ng lugar kung saan kinunan ang larawan.

Sa isang larawan ay makikitang nakasandal sa isang malaking bato si Julia samantalang sa isa pa ay makikita si Coco na nakaupo at kumakain kung saan makikita rin sa background niya ang bato na malaki ang pagkakatulad sa sinasandalan ng dalaga.

Maliban dito, magkapareho rin daw ang mga Philodendron selloum plants sa mga larawan ng dalawa.

“Ang ganda ng garden talaga,” ang caption ng fan account.

Saad pa rito, “Okay. Connect na naman tayo. Love you Coco! Thank you for the “subtitle hints” lately 🙂 From the wall to the upuan, ngayon naman garden. Hello bato at halaman.”

Sina Coco, 39, at Julia, 25, ay kilala rin sa kanilang love team uniname na CocoJul. Sumikat sila sa ABS-CBN teleserye na Walang Hanggan noong 2012.

Umani ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa social media. May nagsabi ng, “Waaah nakakatuwa na ngayon lang pinakita ‘yang pinag-aawayang bato at halaman. Sooo… sinagot na ni Coco ‘yung tanong na sa mansyon niya ‘yan at katabi ng kubo.”

Image by cocojuls4ever via Instagram

Komento pa ng isa, “Hindi naman nila obligasyon na ipaalam sa mga taong hindi nila kaclose kung sila nga o hindi.”

Nitong Sabado lamang ay may post si Julia sa Lyka na pinaniniwalaan ng marami ay si Coco ang tinutukoy. Litrato ito ng bouquet of flowers na may caption na “I’m not afraid of tomorrow because I have you by my side.”

Image by cocojuls4ever via Instagram

Loading…