GMA shows mapapanood na sa android phones gamit ang GMA Now Digital TV Mobile Receiver

Imahe mula sa Lazada
  • Mga Kapuso shows puwede nang mapanood in real time sa android phones sa pamamagitan ng GMA Now Digital TV Mobile Receiver
  • Gaganapin ang Grand Launching ng GMA Now Digital TV Mobile Receiver sa All-Out Sundays sa February 7, 2021
  • Ang GMA Now Digital TV Mobile Receiver ay mabibili sa halagang P649

Naranasanan n’yo na ba na gustung-gusto n’yong manood ng Kapuso programs, pero kailangan mong umalis ng bahay? Nakakabitin, ‘di ba? Ngayon hindi na kayo mabibitin dahil puwede mo nang panoorin ang paboritong GMA shows kahit nasa labas ka ng bahay.

Imahe mula sa GMA

Sa pamamagitan ng GMA Now Digital TV Mobile Reciever, isang plug & play dongle na ikinakabit sa android phone, ay mapapanood mo na ang mga paborito at sinusubaybayang mga Kapuso shows in real time at hindi na kailangang ang internet connection.

At kung sakaling busy ka at hindi mo napanood ang inaabangang palabas, pwede mo itong mapanood dahil sa feature ng GMA Now na tinatawag na “on demand videos.” Ang internet connection ay kailangan dito.

Madali lang i-set up ang GMA Now dongle (ang dongle ay isang maliit na computer hardware na ikinakabit sa port ng ibang device tulad ng cellphones para mabigyan ito ng karagdagang functionalities):

  1. I-download sa Google Play Store ang GMA Now app at i-install sa android phone
  2. Ikonekta ang GMA Now dongle sa smartphone kung saan naka-istall ang GMA Now app
  3. Buksan ang GMA Now app at mag-register
  4. Pwede nang magsimulang manood ng paboritong GMA shows at sa iba pang free-to-air channels sa inyong lokasyon
Imahe mula sa Lazada

Sa kasalukuyan, ang coverage ng GMA Now ay sa mga sumusunod na lugar – Baguio City, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Metro Cebu, Metro Davao, Metro Manila, Pampanga at Rizal.

Ang Grand launching ng GMA Now Digital TV Mobile Receiver ay gaganapin sa Linggo, ika-7 ng Pebrero, sa All-Out Sundays.

Mabibili ito sa halagang P649.

Imahe mula sa Lazada

TRIVIA: Curious ba kayo kung ano ang ibig sabihin ng “dots and dashes” sa logo ng GMA Now? Morse Code iyon ng “GMA.” (ang — — • ay G, ang — — ay M at ang • — ay A).

 

Loading…