Grupo ng mga young artists sa Samar ginawan ng mixed art painting si Kuya Wil bilang tribute

  • Nagkaroon ng mixed media art collaboration ang grupo ng mga young artists sa lalawigan ng Samar
  • Para sa kanilang unang pagtatangka, ginawan nila ng tribute ang Wowowin host na si Willie Revillame
  • Pinagsama-sama nila ang kanilang mga forte o specialty pagdating sa likhang-sining, depende sa materyal na kanilang ginagamit

Hindi lamang “Buwan ng Pag-ibig” ang Pebrero kundi “Buwan ng Mga Sining,” kaya naman naisipan ng isang grupo ng mga young artists na magsama-sama upang lumikha ng isang obra maestra na magtatampok sa kani-kanilang mga forte.

Nagsama-sama ang mga kasapi ng Samar Youth Aspiring Talents upang ipakita ang kani-kanilang mga talento sa sining na kanilang pinagkakadalubhasaan: makikita sa Facebook post ng isa sa mga young artists na si “Ryan Managaysay” ang mixed media art collaboration. Ginawan nila ng mixed art painting ang “Wowowin” host na si Willie Revillame na tinatawag ding “Kuya Wil” na kamakailan lamang ay nagdiwang ng 60th birthday.

Imahe mula sa Facebook account ni Ryan Managaysay

“Happy National Arts Month! In line with this celebration, we, the Samar Youth Aspiring Artists joined our hands together to inspire individuals through our God-given talent and skills in art,” saad sa caption.

“Despite of these trying times we are able to unleash the creativity in us, rediscover the faith through arts, and reignite the passion and mission within us. Indeed, there’s a beauty in diversity! This masterpiece is created for the tribute and birthday gift to Kuya Wil!” dagdag pa niya.

Bagama’t unang beses pa lamang nilang lumikha ng ganitong obra maestra, marami naman ang humanga sa kanila. Si Ryan na gumamit ng mga dahon sa painting ay isang leaf artist. Kasama niya sa pagbuo nito ang malunggay artist na si Jepoy Marcial, palay artist na si Jerry Galarde Casaljay, coffee artist na si Mark Noel Daras, at charcoal artist na si Gino Art Repol.

Kasama rin sa kolaborasyong ito ang posporo artist na si Joneil Calagos Severino na nakilala sa pagbuo niya ng match sticks painting sa batikang news anchor ng GMA Network na si Jessica Soho.

“Match stick man”: Young artist gumagawa ng painting gamit ang mga palito ng posporo”

At syempre, inalayan din niya ng kaniyang obra maestra ang kaniyang idolong si Kuya Wil sa pagdiriwang ng 60th birthday nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Joneil Calagos Severino

Nakabibilib sila, ‘di ba? Ang mga ganitong talento ay nararapat suportahan at tangkilikin!

Loading…