Halos 13 million adult Filipinos walang trabaho batay sa survey ng SWS noong 4th quarter ng 2020

Screenshot mula sa video ng Al Jazeera
  • Batay sa survey ng SWS noong November 21-25, 2020, ang joblessness rate ng adult Filipino workers ay nasa 27.3% — o katumbas ng 12.7 million workers
  • Ang mataas na porsyento ng unemployment rate ang dahilan kung bakit kinakailangan nang muling buksan ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19
  • Noong November 2019 na wala pang COVID-19 pandemic, ang unemployment ay nasa 17.5% lang

Ikinalungkot ng Palasyo ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing sa huling tatlong buwan ng taong 2020 ay nasa 12.7 million adult Filipinos ang jobless.

Imahe mula sa PNA

“Unang-una, malungkot po tayong hindi pa rin bumababa or hindi pa rin bumabalik sa dating datos ang ating joblessness bago po nasalanta tayo ng Covid-19,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Ang resulta ng survey na ginawa noong November 21-25, 2020 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 Pinoy adults sa iba’t ibang panig ng bansa ay isinapubliko nito lang Lunes, ika-1 ng Pebrero. Sa tantiya ng SWS ay nasa 27.3% ng adult labor force ang walang trabaho.

Noong November 2019 na wala pang COVID-19 pandemic, ang unemployment ay nasa 17.5% lang.

Ayon kay Harry Roque, ang mataas na porsyento ng unemployment rate ang dahilan kung bakit kinakailangan nang muling buksan ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19.

Imahe mula sa SWS

Aniya, kaya itong gawin.

“Ito po ang dahilan kung bakit kinakailangan magbukas pa rin tayo ng ating ekonomiya nang sa ganoon, mas marami sa ating mga kababayan ang makapag-trabaho. Kaya naman po ito,” anang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang 27.3% joblessness noong Nobyembre ng nakaraang taon ay higit na mas mababa kaysa sa naitala noong buwan ng Setyembre ng parehong taon na 39.5% kaya kahit paaano ay ikinasiya ito ng Palasyo.

Kahit papaano po, we find solace in the fact na bumaba nga po itong joblessness. Nag-peak po ito ng 45.5% noong July, bumaba ng 39.5% noong September, at ngayon po ay 27.3%,” ani Roque.

Imahe mula sa PCOO

Sa public address ng Pangulo noong Lunes, sinabi niya na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat upang hindi tuluyang bumagsak ang ekonomiya ng bansa bagama’t inamin niya na nawawalan ng P2 billion income kada araw ang mga Filipino workers dahil sa implementasyon ng istriktong health at quarantine protocols sa gitna ng pandemya.

Source :

PNA, CNN PH

Loading…