Handa ka bang makatanggap ng ‘Isaw bouquet’ sa Valentine’s Day?

  • Maraming nagsusulputang mga kakaibang bouquet ngayon para sa Valentine’s Day
  • Isa na riyan ang “isaw bouquet”
  • Paandar ito ng isang tindahan ng barbecue

Sa pagpasok pa lamang ng buwan ng Pebrero, may mga kung-ano-anong klaseng paandar na ang mga flower at gift shop para sa nalalapit na pagdiriwang ng Valentine’s Day sa Pebrero 14. Bukod sa tipikal na flower bouquet, patok din ang iba pang mga kakatwang bagay gaya ng cash, Yakult, fried chicken, oinment, hygienic at iba pang mga uri ng customized bouquet, na tipid at may pakinabang ba.

Humahabol naman dito ang “isaw bouquet” na makikita sa opisyal na Facebook page na “Twin BBQ” na talagang nagtitinda ng iba’t ibang mga inihaw na streetfood gaya ng adidas, lamanloob ng manok at baboy, betamax, helmet o ulo ng manok, at iba pa. Saad sa caption, “Get a man na bibigyan ka ng ganito sa February 14.”

Imahe mula sa Facebook page na Twin BBQ

“Ay hindi healthy, pero why not? Masarap naman talaga ang mga ganiyang uri ng pagkain,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Puro get a man eh kaya naman namin mga single bumili niyan hahaha why wait for someone to do it for you when you can do it yourself hahaha, sorry bitter lang ako.”

“Why not? For a change lang naman, hindi ba? Mukhang masarap at malinis naman kaya go grab it!” pahayag naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Para sa akin, mas maganda pa rin yung traditional flower bouquet tapos bibigyan mo ng chocolate yung babae. It signifies your pure intention kasy; may symbol yung mga halaman. Mas okay ako roon sa kahit na sabihin nating malalanta ang mga bulaklak, pero iba pa rin yung dating na maibibigay sa mga babae.”

Imahe mula sa Facebook page na Twin BBQ

Sa kabilang banda, hinay-hinay lamang sa pagkain ng isaw at mga lamanloob dahil mataas ito sa uric acid at cholesterol.

Loading…