Harry Roque nasa isolation muna matapos magpositibo sa COVID-19 ang staff

Image by Harry Roque via Facebook
  • Nag-self isolate muna si Sec. Roque matapos magpositibo sa COVID ang isang staff
  • Negatibo naman ang RT-PCR test niya subalit work from home daw muna ang kalihim
  • Naglabas naman ng pahayag ang DiveGurus Boracay matapos maispatan sa isla ang opisyal noong nakaraang araw

Napilitang mag-self isolate muna sa kanilang bahay si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kaniyang staff.

“Work from home po tayo ngayon dahil meron po tayong isang staff member na nagpositibo,” bahagi ni Roque sa ginanap na press briefing nitong Lunes.

Imahe mula sa DiveGurus Boracay Facebook

Sumailalim na rin si Roque sa RC-PTR test at nagnegatibo naman daw ang kaniyang resulta. Sa kabila nito, mananatili muna siya sa kanilang bahay upang makasiguro.

“Bagamat negative po tayo kahapon noong tayo ay nag-PCR para sa pagpupulong kay Presidente mamaya, e kinakailangan sumunod pa rin po sa mga protocols. So work from home at isolation muna tayo,” ayon pa sa ospiyal.

Dahil dito, dadalo sa gaganaping pulong ng IATF si Roque sa pamamagitan ng online meeting muna.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang DiveGurus Boracay matapos maispatan si Roque sa isla noong nagdaang araw.

Ayon sa kanila, nag-iisa lamang ang kalihim at walang kasamang staff nang pumunta ito sa kanilang dive shop noong Pebrero 6.

Screenshot mula sa DiveGurus Boracay Facebook

“None of Sec. Roque’s other staff members were present during his dive. Following safety protocols, our equipment is dipped in disinfectant solution after every dive and each staff adheres to the COVID safety guidelines,” ayon sa DiveGurus.

“We were informed that he arrived in Manila on Feb 7th and had a negative RTPCR result. The staff who was tested positive is based in Manila and did not join in Boracay trip,” dagdag pa ng dive shop.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-self isolate si Roque matapos mahawahan ng COVID ang kaniyang staff.

Noong Setyembre, isa ring security detail ng kalihim ang nagpositibo sa coronavirus kaya inilagay muna niya ang kaniyang sarili sa isolation nang ilang araw.

Loading…