Heavy traffic asahan: Southbound ng Alabang toll plaza isasara para sa Skyway extension project

Screenshot mula sa SMC video
  • Simula sa Sabado, ika-20 ng Pebrero, ay isasara ang southbound ng Alabang toll plaza
  • Ito ay upang bigyang daan ang pagpapabilis sa pagtapos ng Skyway Extension project
  • Ang northbound ng Skyway extension ay inaasahang matatapos sa March 30, samantalang ang southbound ay sa June ng taong kasalukuyan

Humingi ng pang-unawa si Ramon S. Ang, ang president at chief operating officer ng San Miguel Corporation, sa inaasahang heavy traffic na idudulot ng pagsasara ng Alabang toll plaza para sa Skyway Extension project.

Imahe mula sa SMC

Ang southbound ng Alabang toll plaza ay isasara sa mga motorista simula hatinggabi ng Sabado, ika-20 ng Pebrero, upang mapabilis ang pagkumpleto sa proyekto na ilang beses na ring naantala dahil sa ilang kadahilanan, kabilang na ang mahigpit na lockdown at ang aksidente kung saan nahulog ang isang girder nito.

“We’re again appealing for patience and understanding from our motorists in the south and residents in the area, for any delays that they may experience, as we work to complete the Skyway Extension. We’ve put in place measures to help mitigate the impact on you and to ensure safety,” pahayag ni Ang.

“There is no way of getting around this key stage in construction. We really have to do it. It will be a temporary inconvenience, but I promise you, the benefits–eliminating traffic and providing seamless travel–will be well worth it,” sabi pa niya.

Screenshot mula sa SMC video

Kaugnay ng pagsasara ng southbound ng Alabang toll plaza, nagbigay ng alternatibong ruta ang SMC para sa mga motorista.

  • Class 1 headed to Alabang or Alabang-Zapote Rd. may take Filinvest Exit Toll Plaza towards their destination
  • Class 1, 2 and 3 vehicles bound for Alabang, Putatan, and National Road may take the Susana Exit Toll Plaza, turn right at Susana Heights Ave., and turn either left or right on the National Road to their respective destinations

Ang northbound ng Skyway Extension project ay inaasahang matatapos sa susunod na buwan (March 30), samantalang ang southbound naman ay inaasahang makukumpleto sa buwan ng Hunyo ngayong taon.

Screenshot mula sa SMC video

Loading…