Hyper-realistic artwork ng isang young artist sa Camarines Sur hinangaan

  • Napahanga ang mga netizens sa likhang-sining ng isang 19-anyos na artist sa Camarines Sur
  • Mukha kasing totoo ang mga pinta niyang luntiang dahon
  • Gumamit umano siya ng acrylic paint at gumugol siya ng dalawang buwan upang matapos ito

Hinangaan ng mga netizens sa social media ang likhang-sining ng young artist na si John Jeff Camasis mula sa Barangay Labawon sa bayan ng Buhi, Camarines Sur, dahil kung titingnan ang kaniyang likhang-sining, tila totoo at buhay na buhay ang ipininta nitong mga dahon.

Ibinahagi ni Camasis, 19 na taong gulang,  ang kaniyang likhang-sining sa Facebook page na “GUHIT Pinas” na may pamagat na “Leaves 1.” Ang naturang likhang-sining na may size na 33 x 24 inches ay ilang buwan din umano niyang pinaggugulan ng panahon sa pamamagitan ng acrylic paint.

Imahe mula sa Facebook account ni John Jeff S. Camasis

“Para sa ‘kin na-achieve ko ‘yun kasi nagpa-practice talaga ako. Nagmukha siyang totoo kasi nakuha ko doon ‘yung pasok ng ilaw, dark to light,” saad ni Camasis.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow, sobrang galing naman sir, pahiram naman po kami ng inyong malikhaing kamay! Grabe, akala ko noong una, still photo, iyon pala, likhang-kamay! Mga ganitong talento ang dapat na tinatangkilik at binibigyang-pugay!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Noong una, akala ko portrait lang ng picture ng green leaves, pero noong sinabing painting niya, hindi ako makapaniwala! Ang nakakatuwa, pati yung water drops, parang tunay! Kudos sa artist! Sana mag-invest ang pamahalaan na suportahan ang mga ganitong artist! Maipagmamalaki natin sila sa ibang bansa!”

“Napakatalentado naman po ng artist! Sana po tangkilikin natin ang mga obra maestra niya, para nang sa ganoon. amengganyo pa siyang patuloy na gumawa ng mga likhang-sining na tunay na maipagmamalaki hindi lamang dito sa atin, kundi maging sa international market, for sure tatangkilikin ‘yan!” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni John Jeff S. Camasis

Wika naman ng isa, “NCCA should recognize him. Better yet, give him an opportunity!”

Samantala, napansin naman “Center for Rinconada Culture and The Arts” ng Camarines Sur Polytechnic Colleges ang likhang-sining na ito ni Camasis, kaya isasama ito sa exhibit para sa pagpapasinaya ng isang lokal na museo roon.

“The artist of the painting entitled ‘Leaves 1″ (33 x 24 inches, acrylic on canvas), Mr. John Jeff S. Camasis, of Buhi, Camarines Sur, has granted the CSPC-CRCA an exclusive permission to exhibit his masterpiece for the upcoming blessing and inauguration of the MUSEO RINCONADA, a local museum established by the Camarines Sur Polytechnic Colleges,” saad nila sa opisyal na Facebook page.

Sa pagpapatuloy, “This artwork has recently become a social media sensation, because of its exquisite craftsmanship and hyper-realistic visual output. And it will be displayed at the Museo Rinconada (for a specific time only), together with the other artistic and cultural treasures of Rinconada area, on February 22, 2021.”

Imahe mula sa Facebook page ng Center for Rinconada Culture and The Arts

Kahanga-hanga ang talento ng young artist na ito, hindi ba? Nawa ay ipagpatuloy pa niya ang paglikha ng mga kamangha-manghang obra maestrang gaya nito!

Loading…