Ina Raymundo: ‘I am now convinced that J.Lo is my long-lost sister’

  • Pabirong ipinost ni Ina Raymundo na si  Jennifer Lopez ang  kanyang “long-lost sister” 
  • Kamukhang-kamukha niya kasi ito sa latest pictorial niya
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Napahanga ang mga netizens kay “Sabado Night Girl” Ina Raymundo sa mga bagong larawan at video clips nito na ibinahagi niya mismo sa kaniyang Instagram post, na talaga namang mapapa-sana all na lamang ang lahat, dahil tila hindi tumatanda ang naturang celebrity.

Pabirong sinabi ng aktres na kumbinsido na nga siyang “long-lost sister” niya si Jennifer Lopez na kilala rin sa bansag na “J.Lo.”

Imahe mula sa Instagram account ni Ina Raymundo

“I’m now convinced that J.Lo is my long-lost sister,” saad niya sa kaniyang Instagram post. Marami nga ang nakapunang may resemblance nga sila ng naturang sikat na American singer, actress, at dancer sa isinagawang pictorial.

Wika ng isa, “Ganda pa rin po! Grabe talaga ang mundo ang unfair, bakit ganoon, hindi siya tumatanda, samantalang ako, mukhang ngarag na.”

“Wow Sabado Night Girl, ganda pa rin… mas lalong gumanda habang nagkakaedad,” papuri naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Super ganda po, and I love love love your hairdo and total look for this photoshoot! Mas maganda ka pa nga kay J.Lo eh, para sa akin lang naman po.”

“Walang kakupas-kupas, Miss Ina! May mga anak na iyan ah, saka nasa 40 to 45 na yata, pero look at her now, parang nakakita siya ng fountain of youth. Pakitumba na nga ‘yan, kasama nina Dawn Zulueta, Alice Dixson, saka iba pang mga may edad na pero ganoon pa rin ang looks!” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Instagram account ni Ina Raymundo

Si Rina Marie Padilla Raymundo o kilala sa kaniyang screen name na “Ina Raymundo” ay isinilang noong Disyembre 9, 1975, kaya kung susumahin, siya ay nasa 45 taong gulang pa lamang.  Siya ay isang commercial model, actress, at singer, kagaya ng kaniyang kamukhang si J.Lo.

Noong 1994, sa gulang na 18 ay nagkaroon na siya ng kauna-unahang magazine cover, subalit una siyang nakilala at sumikat nang husto noong 1995 sa television advertisement ng San Miguel Beer na “Sabado Nights” na nagkaroon ng remake noong 2017.  Sa kabila ng kaniyang edad, naitatampok pa rin siya sa FHM Philippines. Hindi na rin mabilang ang mga programang pantelebisyon at pampelikulang kinabilangan niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Ina Raymundo

Kasal si Ina sa Ukrainian-Canadian businessman na si Brian Poturnak. Sila ay biniyayaan ng limang supling na sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve.

Loading…