Inside job? Condo unit ng travel agency CEO-turned-vlogger na si Angely Dub pinasok ng kawatan

Imahe mula sa Metropoler/Angely Dub
  • Pinasok ng mga kawatan ang condo unit ni Angely Dub, ang CEO ng travel agency na paborito ng mga celebrities
  • Idedemanda raw niya ang Ayala Land at ang management ng Amaia Skies Cubao
  • Bago raw naganap ang insidente ay apat na condo units na raw pala ang pinasok subalit ni hindi raw sila inalerto ng management para makapag-ingat

Masamang masama ang loob ni Angely Dub, ang chief executive officer (CEO) ng travel agency na paborito ng mga celebrities – ang Access Travel and Tours – dahil sa nangyaring panloloob sa kanyang condominium unit sa 35th floor ng Amaia Skies Cubao na pag-aari ng Ayala Land.

Screenshot ng Facebook posts ni Angely Dub

Kinuha raw ng mga kawatan ang mga bagay na mahahalaga na kanya umanong pinagpaguran, kabilang na ang residency card niya sa Pilipinas. Mabuti na lang daw at hindi isinama ang passport niya.

Idedemanda umano ni Dub ang Ayala Land at ang management ng Amaia Skies dahil sa pangyayari.

Reklamo niya, ang mahal ng ibinayad niya sa condo unit, pero ni wala raw CCTV camera sa mga hallways at ang iba naman ay hindi raw nakabukas. Bago pasukin ang unit niya ay apat na condo units na ang naunang pinasok ng mga kawatan doon din sa 35th floor.

Ni hindi man lang daw sila inabisuhan sa pamamagitan ng email tungkol sa mga nangyaring panloloob, pero kapag nag-park sila nang mali kahit limang minuto lang ay may natatanggap agad silang email para sa towing service.

Screenshot ng Facebook posts ni Angely Dub

“This is not right for the amount of money we pay you. There was no single CCTV camera installed in the hallways. Other cameras were turned off from Sat 7 a.m. Sun 7 a.m. No one emailed us to warn us to stay alert but when we park somewhere illegally even for five minutes we get emails for towing in less than an hour but thieves get in and out of the towers like nothing,” himutok ni Dub.

“Our families can’t go to visit but the thieves can just go in and out like nothing. Four robberies in two weeks and we never got an email to alert us. I will sue all of you and make sure you pay everyone of us who lost our hard-earned money because all of you are useless at what you do,” aniya pa.

Screenshot ng Facebook posts ni Angely Dub

Isang residente ng Amaia condo (ibang location) ang nagsabi kay Dub na nangyari rin sa kanya ang nangyari sa CEO-turned-vlogger. Naniniwala raw ang karamihan sa mga residente doon na inside job ang nangyari.

Naglabas naman ng statement ang Amaia Land Corp. na nagsasabing nakipag-ugnayan na kay Dub ang property development manager of Amaia Skies Cubao na si Razel Matibag kaugnay ng insidente.

Sinagot din ng Amaia ang tungkol sa kawalan ng CCTV sa hallways. Sinabi nito na nag-install sila ng CCTV sa lahat ng required areas.

Screenshot ng Amaia statement

Loading…