Interbank ATM transaction fees tataas dahil sa acquirer-based ATM fee charging method

Imahe mula sa Philippine Primer
  • Simula sa April 7, 2021 ay magtataas na ng singil ang ilang bangko sa interbank ATM transaction fees
  • Sa ilalim ng tinatawag na acquirer-based ATM fee charging method, ang mga ATM cardholders ay magbabayad ng mas mataas kapag gumamit sila ng ATM terminal ng ibang local banks
  • Ang BPI ay nakatakdang maningil ng P18 kada withdrawal transaction, samantalang ang ibang bangko ay mas mababa kaysa rito ang sisingilin
  • Pare-pareho namang P2 kada balance inquiry transaction ang singil ng mga bangko kapag naipatupad na ang bagong sistema

Simula sa ika-7 ng Abril 2021 ay magsisimulang maningil ang mga bangko ng mas mataas na transaction fees sa mga gagamit ng kanilang automated teller machine (ATM) na hindi nila kliyente.

Imahe mula sa iMoney

Sa ilalim ng tinatawag na acquirer-based ATM fee charging method, ang mga ATM cardholders ay magbabayad ng mas mataas kapag gumamit sila ng ATM terminal ng ibang local banks. Ang singil sa ATM transactions ay ibabase sa halaga ng sinisingil ng ATM owners.

Ang bagong pagtaas ng singil sa mga ATM transactions ay kasunod ng pagpayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa hiling ng mga local banks na magpataw ng mas mataas na ATM fees.

Sa ilalim ng BSP-approved system, ang singil ay itinatakda ng bangko na may-ari ng ATM terminal na ginamit ng cardholders. Wala namang pagtaas sa ATM fees para sa mga customers na gagamit ng ATM terminals ng sariling bangko.

Ang Bank of the Philippine Islands ay maniningil na ng P2 na balance inquiry fee at P18 withdrawal fee sa non-BPI cardholders na gagamit ng BPI ATM terminals kapag ipinatupad na ang bagong sistema.

Imahe mula sa BPI

Sa kasalukuyan P1.50  sa bawat balance inquiry at P15 sa bawat withrawal ang singil ng BPI sa mga non-BPI cardholders.

“The withdrawal fee shall be automatically added to the amount withdrawn. The balance inquiry fee will be shown as a separate debit amount which will be reflected in your statement of account on the day the transaction was made,” ayon sa BP

Mananatiling libre ang paggamit ng BPI ATM para sa mga BPI clients.

Pareho naman sa BPI ang magiging singil ng Metrobank, pero nilinaw nito na ang balance inquiry ng PSBank cardholders ay libre at P7.50 naman kada withdrawal. Ang PSBank (Philippine Savings Bank) ay subsidiary ng Metrobank.

Imahemula sa Upgrade Mag

Ang Development Bank of the Philippines at UCPB naman ay parehong maninigil ng P2 kada balance inquiry at P15 kada withdrawal, samantalang sa UnionBank ay P2 ang balance inquiry at P12 naman sa withdrawal.

Sinabi ng BSP na kailangang malinaw na naka-display sa ATM location at sa screen ng ATM terminal ang singil sa transaction fees upang makapamili ang mga cardholders ng ATM na mas mababa ang singil.

Imahe mula sa Tough NIckel
Source :

Philstar, ABS-CBN

Loading…