Isa’t kalahating milyong mas malalaking motorcycle plates naipamahagi na ng LTO

Screenshot mula sa GMA video
  • Ibinida ng LTO na nakagawa na ito ng 1.5 million motorcycle plates at naipamahagi na sa mga rehiyon
  • Target ng ahensya na matapos ang 18 million plates hanggang sa June 2022
  • Ipinanukala ni Sen. Gordon na gawing manggagawa ang mga inmates ng Muntinlupa national penitentiary upang mapabilis ang produksyon

Ibinida ng Land Transportation Office (LTO) na nakagawa na ito ng isa’t kalahating milyong malalaking plaka ng motorsiklo at naipamahagi na ang mga ito sa ilang rehiyon sa tulong ng mga motorcycle dealers.

Screenshot mula sa GMA video

“Dito sa bagong batas tungkol sa motorsiklo, nire-require ngayon na may plaka sa likod at plaka sa harap. Ginagawa na ng LTO ‘yan, meron na tayong nagawang 1.5 million at naipamahagi na ito sa regions, at sa tulong ng dealers ng motorsiklo, ipinamamahagi na ito sa kanilang mga customer o kanilang kliyente,” ayon kay Assistant Secretary and LTO chief Edgar Galvante.

Bukod sa mas malaking plaka para sa harap at likod ng motorsiklo, may kasama pa umano itong radio frequency identification (RFID) sticker na ididikit sa headlight ng sasakyan.

“Ang hinahabol natin is around 15 million plates at sinimulan na ‘yang gawin…ang plaka niyan nitong nakaraang taon…July 1 nag-start. Kaya sa ngayon meron na kaming nai-produce na at naipamahagi sa mga 1.5 million,” wika ni Asec. Galvante.

Ipinaliwanag ni Galvante na ang 15 million plates ay para sa 7.3 million motorcycles na nakarehistro at irerehistro na. Aniya, hindi gaanong kabilisan ang paggawa ng mga plaka, pero nagdagdag na raw ang ahensya ng karagdagang equipment upang maging mas mabilis ang produksyon.

Imahe mula sa PTV

Target ng LTO na makagawa ng 18 million motorcycle plates bago matapos ang June 2022.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Senator Richard Gordon na upang maging mabilis ang produksyon ng plaka ay gamitin ang mga inmates sa Muntinlupa national penitentiary bilang manggagawa na kailangan ding bigyan ng suweldo.

Imahe mula sa MotoPinas

Posible naman daw ang mungkahi ni Sen. Gordon. Sinabi ni Galvante na nakipag-ugnayan na ang LTO sa private plate manufacturer para ikonsulta ang suhestyon ng senador.

Loading…