It’s final: Driver at pasahero ng private cars required mag-face masks kahit nakatira sa iisang bahay

Imahe mula sa The India Times
  • Pamilyang magkakasama sa loob ng kanilang pribadong sasakyan required mag-face mask
  • Ituturing na reckless driving ang hindi pagsusuot ng face mask at papatawan ng multang P2,000 hanggang P5,000
  • Nanawagan si Senator Grace Poe sa IATF na pag-isipan ulit ang naturang polisiya na aniya ay katawatawa at hindi makatotohanan

Pinal na raw ang desisyon ng pamahalaan na ipatupad ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases hinggil sa mandatory wearing of face masks sa mga private cars kapag dalawa o higit pa ang sakay nito. Ito ay kahit na raw miyembro sila ng isang pamilya na nakatira sa iisang bahay.

Imahe mula sa Freepik

“When the driver is with passenger/s, it is mandatory for all individuals inside the vehicle to properly wear a face mask, regardless if they are from the same household,” ayon sa joint statement ng Department of Health at Department of Transportation.

Ang driver ng private cars na walang kasama ay hindi obligadong magsuot ng face mask habang nagmamaneho, pero ayon sa isang doktor kailangan magsuot nito kapag magbubukas ng bintana kung sakaling makikipag-interact sa mga tao sa labas ng sasakyan tulad ng mga drive-thru lanes ng fastfood restaurants.

Ituturing daw na reckless driving ang hindi pagsusuot ng face mask kapag ang driver ng private cars ay may pasahero na walang face mask kaya papatawan ng multang P2,000 sa first offense, P3,000 sa 2nd offense at P5,000 at one-year suspension ng driver’s license sa 3rd offense.

Imahe mula sa DOTr

Ang driver ng private car lang ang magmumulta habang ang mga pasahero niya ay pagsasabihan lang na sumunod sa health protocols.

Nanawagan naman si Senator Grace Poe sa IATF na pag-isipan ulit ang naturang polisiya na aniya ay katawatawa at hindi makatotohanan.

Paliwanag niya, ang private car ay maituturing na extension ng bahay ng pamilya na masasabing “private bubble” nila basta wala silang kasamang estranghero sa loob ng sasakyan.

“I ask the IATF to rethink its policy requiring occupants of a vehicle to wear anti-virus masks even if they are from the same household. This order is simply ludicrous and unrealistic,” wika ng senadora.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Iginiit iya na ang pagsusuot ng face mask ay dapat lang sa mga pampublikong sasakyan at sa mga carpooling.

Pagpapaliwanagin daw niya ang mga concerned government officials sa nasabing polisiya sa gagawing Senate hearing sa February 9.

 

Source :

TopGear, Inquirer

Loading…