Jessy Mendiola dalawang beses nang ‘di pinansin sa boutique ng isang luxury brand

Imahe mula sa YouTube at Instagram | Jessy Mendiola
  • Dalawang beses nang nararanasan ni Jessy Mendiola na hindi pansinin sa loob ng isang luxury brand boutique
  • Ang unang beses ay nangyari sa Paris at ang isa naman ay sa Taiwan
  • Ngayon ay pinipili na lamang niya na bumili sa mga reseller at luxury sellers

Inamin ng aktres na si Jessy Mendiola na dalawang beses na siyang nagkakaroon ng bad experience sa magkaibang boutique ng isang luxury brand.

Imahe mula sa Instagram | Jessy Mendiola

Sa kaniyang vlog ay gumawa ng unboxing video si Jessy para sa binili niyang Chanel Deauville tote bag. “Naisip kong ipakita sa inyo itong bag na ‘to kasi proud ako, pinaghirapan ko ‘to,” paliwanag ni Jessy.

Binili niya ito mula sa isang luxury seller dahil may bad experience na umano siya sa mga boutique.

Ang unang pangyayari ay naganap umano sa Paris tatlo o apat na taon na ang nakalilipas. “Nawawalan ako ng loob every time nagpa-price increase sila tapos hindi ko na maabot ‘yong bag na gusto ko kasi pamahal na siya nang pamahal kaya nung meron na akong chance na makabili kasi nakapag-ipon na ako, I went to a Chanel store,” sabi ni Jessy.

“The one in Europe, I went in sa isang Chanel store and I asked about a classic Chanel Flap. First time kong magkakaron ng Chanel Flap, excited ako,” pagbabalik-tanaw niya.

Imahe mula sa Instagram | Jessy Mendiola

“Nagtanong ako sa isang sales associate kung may available na Classic Flap Bags. Tiningnan niya lang ako from head to toe tapos hindi ako pinansin.”

Dahil pakiramdam ni Jessy ay napahiya siya ay umalis na lamang siya. “Bakit ka pa bibili ng bag kung gaganunin ka naman, eh bibili naman ako. ‘Yon ‘yong first bad experience ko sa Chanel,” dagdag niya.

Naulit daw ito nang sinubukan naman niyang bumili sa isang shop sa Taiwan dalawang taon na ang nakalilipas. Pumunta raw siya roon para bumili ng wallet at sun glasses.

Nakaugalian na raw ni Jessy na mag-save ng mga larawan ng nais niyang bilhin. “Pinapakita ko sa isang sales associate, tapos hindi man lang niya tiningnan ‘yong phone ko. Dinaan-daanan niya lang ako. Wala namang tao nun. Traumatized na ako.”

Ngayon daw ay pinipili na lamang niyang bumili sa mga reseller at luxury seller. “At least may sellers na mababait.”

Panoorin dito ang kaniyang vlog:

Source :

YouTube

Loading…