Jollibee at Yoshinoya PH sanib-puwersa; target magbukas ng 50 stores ng Yoshinoya sa bansa

Imahe mula sa JFC/YIPI

 

  • Jollibee nakipag-partner sa popular na Japanese beef bowl restaurant na Yoshinoya
  • Sa kasalukuyan ang Yoshinoya, na popular sa Gyudon beef bowls nito, ay may tatlong branches sa bansa
  • Ang long tem plan ng partnership ng Jollibee Foods Corp at Yoshinoya International Philippines, Inc. ay ang makapagbukas ng 50 stores ng Yashinoya sa buong bansa

Ang Japanese beef bowl restaurant na Yoshinoya ay inaasahang magkakaroon ng maraming branches sa Pilipinas matapos nitong bumuo ng partnership sa Jollibee.

Imahe mula sa Zomato

Sa disclosure na ginawa ng Jollibee Foods Corp. (JFC)  sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng kumpanya na nagtayo ito ng 50-50 partnership kasama ang Yoshinoya International Philippines, Inc. (YIPI). Ang joint venture company na naitatag ay ang magiging franchisee ng Yoshinoya brand sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ang Yoshinoya, na popular sa Gyudon beef bowls nito, ay may tatlong branches sa bansa. Ang long term plan ng partnership ng JFC at YIPI ay ang makapagbukas ng 50 stores ng Yashinoya sa buong bansa.

Sinabi ni Yasutaka Kawamura, ang chief executive officer at president ng Yoshinoyia Holdings, na malaki ang magiging impact ng Jollibee sa negosyo ng Yoshinoya sa bansa dahil umano sa malalim na consumer knowledge nito at sa napakalawak na presensya sa Pilipinas.

“This partnership presents us a great opportunity to increase the potential growth of Yoshinoya in the Philippines,” ani Kawamura.

Imahe mula sa YIPI

Ang Yoshinoya, na magiging kauna-unahang Japanese food chain ng JFC, ay makakasama ng iba pang brands na pag-aari ng Jollibee na Chowking, Greenwich, Red Ribbon, Mang Inasal, Burger King, Pho24 at Panda Express.

Sinabi ng JFC na bagama’t hindi pa gaano kalaki ang magiging kontribusyon ng Yoshinoya sa kanilang negosyo dahil iilan lang ang branches nito, malaki naman daw ang oportunidad nito sa food delivery sales.

“We are truly thrilled to have the opportunity to partner with YIPI and grow the Yoshinoya brand in the Philippines. JFC will benefit from Yoshinoya’s experience and know-how in Japanese cuisine. Yoshinoya’s food, particularly its signature Gyudon beef bowl holds very well for delivery,” turan ni JFC chairman Tony Tan Caktiong.

Imahe mula sa YIPI

Sinabi pa ng JFC chairman na malakas ang paniniwala niya na ito ay simula pa lamang ng mas matagalan at mas malaking partnership ng dalawang kumpanya.

 

Loading…