Karamihan sa mga Pinoy naniniwalang tapos na ang pinakamalalang yugto ng COVID-19 crisis

Screenshot mula sa Smile video
  • Mas maraming Pinoy ang naniniwala na tapos na ang pinakamalalang yugto ng COVID-19 pandemic
  • Batay sa resulta ng SWS survey na ginawa noong November 21-25 ng nakaraang taon, 69% ng mga respondents ang nagsabing lumipas na ang pinakamalalang yugto ng COVID-19 crisis
  • Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 adult Filipinos na sumagot sa tanong na “Alin po sa mga ito ang mas naglalarawan sa inyong nararamdaman tungkol sa krisis sa COVID-19 sa Pilipinas? Sa tingin po ninyo, lumipas na ang pinakamalala o mas lalalá pa ito?

Halos pito sa bawat sampung Pilipino ang naniniwala na ang pinakamalalang yugto ng COVID-19 pandemic ay lumipas na. Ito ay ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 2020, isang buwan bago pa na-detect sa bansa ang mas malakas makahawang uri ng COVID-19.

Imahe mula sa CMSwire

Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 adult Filipinos.

Ang mga lumahok sa survey ay sumagot sa tanong na “Alin po sa mga ito ang mas naglalarawan sa inyong nararamdaman tungkol sa krisis sa COVID-19 sa Pilipinas? Sa tingin po ninyo, lumipas na ang pinakamalala o mas lalalá pa ito?

Batay sa resulta ng November 21-25 poll survey ng SWS na isinapubliko nito lang Huwebes, February 11, sixty nine percent (69%) ng mga respondents ang nagsabing “lumipas na ang pinakamalala” sa pandemic. Samantalang 31% lang ang nagsabing “mas lalala pa ito.”

Ipinakita ng resulta ng survey na ang pananaw ng mga Pilipino sa pandemya ay mas positibo noong Nobyembre kumpara noong September 2020 kung saan 47% ang nagsabing tapos na ang pinakamalalang yugto ng COVID-19 pandemic, 47% din ang nagsabing mas lalala pa ang pandemya at 6% ang hindi sumagot sa tanong.

Imahe mula sa SWS

Sa mga lugar sa bansa, ang porsyento ng mga respondents na nagsabing tapos na ang pinakamalala sa pandemya ay pinakamataas sa Metro Manila sa 78%. Sinundan ito ng Balanced Luzon na 69%, Visayas 67% at Mindanao 65%.

 

Source :

Facebook, CNN PH

Loading…