Kauna-unahang kaso ng H5N8 bird flu na naipasa sa tao, naitala sa Russia

Imahe mula sa The Tribune
  • Naiulat sa Russia ang kauna-unahang kaso ng H5N8 bird flu na naipasa sa tao
  • Apektado ang pitong empleyado ng poultry farm sa southern Russia
  • Ganunpaman, mild lamang ang naging kaso ng mga tao at gumaling na ang mga ito

Naitala sa Russia ang kauna-unahang kaso sa mundo kung saan isang strain ng avian o bird flu ang naipasa sa tao.

Iniulat ng gobyerno ng Russia sa World Health Organization (WHO) ang kaso ng H5N8 avian influenza sa pitong trabahador ng poultry farm doon.

“Information about the world’s first case of transmission of the avian flu (H5N8) to humans has already been sent to the World Health Organization,” ayon kay Anna Popova, hepe ng consumer health watchdog Rospotrebnadzor ng Russia.

Imahe mula sa DW

Ang mabilis makahawang strain ng H5N8 bird flu ay lubhang mapanganib para sa mga poultry animals subalit wala pang dati na napaulat na nakahahawa ito sa mga tao. Samantala, ang H5N1 strain naman ay dati nang nadiskubre na nakalilipat sa mga tao mula sa hayop.

Ayon pa kay Popova, mild lamang ang naging kaso ng mga trabahador at lahat naman sila ay gumaling. Ang nasabing poultry farm kung saan sila nagtatrabaho ay nagkaroon ng outbreak ng bird flu sa mga manok noong Disyembre.

Samantala, tiniyak rin ni Popova na walang ebidensiya na nagkaroon ng human transmission sa pagitan ng mga apektadong empleyado. Subalit, nagbabala rin ito sa posibleng mutation ng virus.

Imahe mula sa The Times of Israel

“It is not transmitted from person to person. But only time will tell how soon future mutations will allow it to overcome this barrier,” wika pa nito.

Naglabas naman ng pahayag ang WHO tungkol dito para kumpirmahing ito nga kauna-unahang insidente na ang H5N8 ay naipasa sa tao.

“They were asymptomatic and no onward human to human transmission was reported,” pahayag ng world body. “We are in discussion with national authorities to gather more information and assess the public health impact of this event.”

Loading…