Kilalanin upang ’di mapahamak: Alimango na kung tawagin ay ‘kuret’ hindi puwedeng kainin

Screenshot mula sa KMJS video
  • Nagbabala ang BFAR na iwasan ang mga alimangong tinatawag na Devil Reef Crab
  • Nagtataglay ito ng dalawa sa pinakamamabagsik na lason na tetrodotoxin at saxitoxin
  • Ang naturang alimango ay tinatawag ding “kuret” na ang ibig sabihin sa salitang Tagalog ay lason

Hindi lahat ng iniluluwa ng dagat ay biyaya; mayroon ding iba na nagdudulot ng kapahamakan.

Imahe mula sa Southern Seafood Market

Ganito ang nangyari sa Pamilya Cuabo sa Sta. Ana sa Cagayan halos dalawang linggo na ang nakararaan matapos mag-almusal ng mga alimango na nahuli ng padre de pamilya mula sa kanyang pamamalaot sa dagat.

Isinalaysay ni Mylyn Cuabo na maagang pumalaot ang mister niyang si Eugenio. Sari saring isda at alimango ang bitbit ng asawa pag-uwi. Pinili niyang iluto ang mga alimango.

“Nung matapos akong magluto, pinauna ko silang kumain dahil may ginagawa pa ako. Nung tikman ko ang alimango ay nalasahan ko na maasim kaya hindi ko itinuloy kinain pero ang mga anak ko at ang asawa ko ay nakarami na sila ng kain,” sabi ng ginang.

Ilang oras matapos mag-almusal ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan at pagkahilo ang mag-aama. Nagsusuka rin sila kaya agad isinugod sa pagamutan. Malubha ang kalagayan ni Eugenio na na-comatose ng dalawang araw, ngunit nakaligtas siya.

Screenshot mula sa KMJS video

Ang limang taong gulang na si Reign Clark ay idineklarang DOA. Ilang saglit lang ay sumunod naman ang dalawang taong gulang na si McNeil Craig.

Batay sa pagsusuri na ginawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang nakain nilang alimango ay may scientific name na Zozymus aenus. Tinatawag din itong “Devil Reef Crab” dahil nagtataglay ito ng dalawa sa pinakamababagsik na lason – ang tetrodotoxin at saxitoxin.

Screenshot mula sa KMJS video

Ang alimangong ito ay napakagandang pagmasdan dahil makulay, ngunit dapat iwasan na kainin ito dahil ilang oras lang ay tiyak na ang kapahamakan.

Kilala rin ang alimangong ito sa tawag na “kuret” na ang ibig sabihin sa salitang Tagalog ay lason.

Imahe mula sa BFAR
Source :

PIA, YouTube

Loading…