Kim Chiu, Kris Aquino nag-react sa viral meme mula sa lumang interview

Imahe mula sa Twitter | Kapamilya Online World
  • Viral ngayon sa social media ang meme ni Kris Aquino mula sa lumang interview niya kay Kim Chiu
  • Hindi naman nagpahuli ang dalawa at ibinahagi na rin ang meme na ito sa kanilang social media pages
  • Si Kris, nagpa-question and answer pa sa kaniyang followers

Kalat na kalat ngayon sa social media ang meme ni Kris Aquino mula sa kaniyang Kris TV interview sa aktres na si Kim Chiu pitong taon na ang nakalilipas.

Sa panayam na iyon ay emosyonal si Kim kaya putol-putol ang mga pagsagot niya kay Kris, na tinutulungan naman siyang buuin ang kaniyang pangungusap.

Hindi na nagpahuli ang dalawa at ginamit na rin sa kani-kaniyang social media posts ang meme.

Imahe mula sa Twitter | Kim Chiu

Unang nagbahagi si Kim ng post ng Kapamilya Online World sa Twitter. “Diyos ko, kayo talaga. Nahanap n’yo ‘to because???” sabi niya. Sa kasalukuyan ay may mahigit 54k likes at 3.5k retweets na ang post ng aktres.

Samantala, sumakay rin si Kris sa trend na ito at ibinahagi ang meme sa kaniyang Facebook at Instagram accounts. “BECAUSE… alangan naman kayo lang ang nag-enjoy? Ask me anything I can answer with BECAUSE… Cutest question will get answered,” sabi niya.

Ilan sa mga tanong na nasagot niya na ay tungkol sa pagpasok niya sa politika. “Bakit you will not join politics?” sabi ng isa. “Because hindi ‘yan ina-announce. Gulatan dapat,” tugon naman ni Kris.

Imahe mula sa Instagram | Kris Aquino

Hindi rin siya nakaiwas sa tanong tungkol kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista. “You have loved Bistek because?” “I still love him, nagbago lang. Because ang asawa pwedeng ma-annul, ang boyfriend, pwede kayong mag-break, pero ang totoong kaibigan — for the rest of your life na,” sabi ni Kris.

Inusisa rin siya ng kaniyang impersonator na si Krissy Achino. “Magpapakalayo ka on your birthday this year because? Love you, Ms. Kris!!!”

“Because Bimb is the size of an adult but underage for the vaccine. Because he can continue 8th grade via online studies. Because I won’t get my Fit to work clearance unless my blood test results show an improvement,” sagot naman ni Kris.

Loading…