Kim Chiu may payo sa mga nais magkaroon ng love life

Imahe mula sa Instagram at YouTube | Kim Chiu
  • Ibinahagi ng aktres na si Kim Chiu ang kaniyang mga paghahanda para sa Chinese New Year
  • Kumonsulta siya sa isang feng shui expert
  • Nagbigay rin siya ng tip para sa mga nais na magkaroon ng love life ngayong taon

Bilang pagdiriwang ng Chinese New Year ay ibinahagi ng aktres na si Kim Chiu ang ilan sa mga tradisyon na sinusunod ng kaniyang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

Sa isang vlog ay ibinahagi ni Kim na nakaugalian na nilang kumonsulta sa feng shui experts bago sumapit ang Chinese New Year. “Hindi ko masyadong shine-share ito pero I am proud of my Chinese roots,” sabi ni Kim.

Ipinakita niya sa kaniyang vlog ang pagpunta niya sa feng shui expert na si Johnson Chua. Sabi nito, suwerte ngayong Year of the Metal Ox ang mga ipinanganak noong Year of the Rooster, Monkey, Tiger, Horse, at Dog.

Samantala, magiging challenging naman umano ang 2021 para sa mga sheep, dragon, at snake.

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu

Nagbahagi rin si Kim ng ilang mga payo upang suwertehin sa pagpasok ng Chinese New Year. Isa sa kaniyang mga tips ay ang pagsusuot ng bagong red underwear kung nais magkaroon ng love life.

“Para sa mga single diyan na gustong magkalove life, ito proven and tested talaga ito dahil ginawa ko ‘to and then shinare ko to sa mga friends ko and nagkaroon sila ng love life. Wear red underwear sa bagong taon. Kailangan brand new red underwear,” ani Kim.

“Dapat bago siya para brand new you, brand new feeling.”

Natutunan ito ni Kim sa isang feng shui master mula sa Macau at kahit awkward na ibinabahagi niya ito ay nais niya raw tulungan ang mga subscribers na nais na magkaroon ng love life. “Weird mag-share ng underwear pero I just want to help all the single subscribers out there na magkajowa na sila, of course para matulungan sila ng red underwear,” sabi niya pa.

Panoorin dito ang kaniyang vlog:

Source :

YouTube

Loading…