Lalaking nag-livestream ng pagtulog kumita ng halos P800,000 sa isang magdamag

Screenshot mula sa YouTube channel ni Asian Andy
  • Isang social media influencer natulog lang kumita na ng $16,000 sa isang magdamag
  • Ang kinita ni Asian Andy ay galing sa mga viewers ng livestreaming niya
  • Puyat ang naging kapalit ng malaking halagang kinita ni Asian Andy dahil binubulabog siya ng mga viewers na nagbibigay ng cash donation sa bawat pambubulabog sa kanya

Isang 26-year-old social media influencer, si Asian Andy, ang kumita ng $16,000 o katumbas ng halos P800,000 sa isang magdamag mula sa donasyon ng mga nanood ng livestream niya ng kanyang pagtulog sa Twirch live streaming platform.

Screenshot mula sa YouTube channel ni Asian Andy

Puyat ang naging kapalit ng malaking halagang kinita ni Asian Andy dahil binubulabog siya ng mga viewers na nanonood ng pagtulog niya gamit ang text-to-speech recognition Alexa app na sinet-up ni Asian Andy bago matulog.

Nagbibigay ng cash donation ang bawat viewer na nambubulabog sa kanya. Naroong utusan ang Alexa app na magpatugtog nang malakas, patunugin ang alarm clock at tunog ng asong kumakahol.

Mayroon pang ibang viewers na nananakot sa kanya. May tao raw sa labas ng bintana ng kuwarto niya.

“Andy I’m a huge fan. I think you’re so funny…no joke someone’s at your window. Alexa, set alarm for 42 minutes…,” mensahe ng isang viewer na nag-donate ng $9.99 kay Asian Andy.

Nag-donate naman ng $100 ang isang viewer na humiling kay Asian Andy na punitin niya ang suot na t-shirt.

Screenshot mula sa YouTube channel ni Asian Andy

Ilan pang viewers ang nag-utos sa kanya na punitin ang suot na t-shirt at ang lahat ng mga iyon ay pinaunlakan niya. May iba namang inutusan siyang mag-twerk, isang uri ng sayaw, pero tinanggihan niya ito.

In-upload ni Asian Andy ang video ng Twitch livestream niya sa kanyang YouTube channel at umani ito ng mahigit 4.3 million  views simula pa noong August 2020.

Want to check his video?

CLICK on the image to watch video

Loading…