Lani Misalucha dumulog sa Raffy Tulfo in Action; Tulfo pinalitan ang P105k na nawala sa singer

Imahe mula sa Raffy Tulfo in Action via YouTube
  • Nagpatulong si Asia’s Nightingale Lani Misalucha kay Raffy Tulfo matapos na diumano ay ibulsa ng kaniyang admin ang laman ng kaniyang mga app
  • Umabot ang halaga sa P105,000
  • Nagpapagamot pa sina Lani at ang kaniyang asawa matapos magkaroon ng bacterial meningitis kaya nagdesisyon si Tulfo na palitan ang halaga

Dumulog sa programa ng brodkaster na si Raffy Tulfo si Asia’s Nightingale Lani Misalucha matapos na ibulsa diumano ng kaniyang admin ang laman ng kaniyang mga app na Lyka at Bigo na umabot sa P105,000.

Imahe mula sa Raffy Tulfo in Action via YouTube

Ani Lani, makatutulong sa kaniya ang halagang iyon lalo na at nagkaroon sila ng bacterial meningitis ng kaniyang asawa at patuloy pa rin na nagpapagamot.

Aminado rin siya na nagkamali siya dahil agad siyang nagtiwala sa naging admin ng kaniyang account na si Maynard Oliver Vergara. “Maynard, alam mo madali talaga akong mag-trust only because inaasahan ko na ang mga tao, hindi dapat gumagawa ng kalokohan. Maynard, I gave you my trust,” aniya.

Sinabi raw sa kaniya ni Maynard na ipae-encash niya na ang Lyka diamonds at Bigo beans noon pang isang taon ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa ito natatanggap. Bukod dito ay napalitan din daw ang cellphone number na nakakonekta sa kaniyang app.

Imahe mula sa Instagram | Lani Misalucha

“Siyempre galing sa sakit… Talagang matindi ang nagawa sa amin ng meningitis, hilong-hilo kami, bingi. ‘Yon ang iniwan ng bacteria sa amin. Siyempre hindi mo naman maaasikaso ‘to lagi,” sabi pa ni Lani.

Gayunpaman ay patuloy pa rin daw ang pakikipag-ugnayan niya kay Maynard. Noong una ay nako-contact pa raw ng kaniyang kampo si Maynard hanggang sa tuluyan na itong hindi sumagot.

Upang makatulong sa pagpapagamot ng batikang singer ay pinalitan ni Tulfo ang P105,000 na nawala kay Lani. “Thank you so much po I would gladly accept it,” sabi ni Lani.

Nakiusap din siya kay Maynard na harapin na siya at ang kaibigan na pinagkakautangan nito.

Panoorin dito ang kaniyang pagdulog kay Tulfo:

Source :

YouTube

Loading…