Larawan ng asong nakabantay sa burol ng lolong nagpapakain sa kaniya, kinaantigan

Imahe mula sa Facebook | Chricelda Mariz Red
  • Kumurot sa puso ng netizens ang kuwento ng isang aso na dumalaw sa burol ng isang lolo na nagbibigay sa kaniya ng pagkain noon
  • Dog lover daw talaga si lolo Eduardo, ayon sa kaniyang apo na si Chricelda
  • Tuwing makakukuha raw ng benepisyo si lolo ay inuuna niya ang pagbili ng pagkain at laruan ng kaniyang alagang aso

Kagaya ng isang matalik na kaibigan ay hindi nakalimutan ng isang aso na dumalaw sa lamay ng isang lolo na nagbibigay sa kaniya ng pagkain noon.

Imahe mula sa Facebook | Chricelda Mariz Red

Sa Facebook page na Dog Lovers Philippines ay ibinahagi ni Chricelda Mariz Red ang larawan ng isang aso na nakahiga malapit sa altar kung saan nakalagak ang urn ng kaniyang lolo na si Eduardo Visita Campos.

“Super nakatataba ng puso kapag ‘yong mga aso na pinakakain ng lolo ko from other barangay ay dumayo pa at nag-stay sa altar ng lolo ko to pay respect,” aniya sa kaniyang post na mayroon nang mahigit 12k reactions.

Kuwento niya sa Inquirer, sumakabilang-buhay kamakailan ang kaniyang 88 anyos na lolo dahil sa acute myocardial infarction. “Magkasundo po sila ni lolo kasi senior dog na rin siya. ‘Yong lolo ko po, super mahilig sa aso. May alaga talaga siyang aso, si B1. ‘Yon po ay bigay ng mama ko,” sabi pa ni Chricelda sa Inquirer.

Dahil isang dog lover ay inuuna raw ni lolo Eduardo ang pagbili ng pagkain at laruan sa tuwing makatatanggap siya ng benepisyo.

Maraming netizens ang naantig sa kuwentong ito. Anila, talaga namang loyal ang mga aso. “Nararamdaman nila ‘yan, akala lang natin hindi. Hinding-hindi nila malilimutan na minsan may isang lolo na nagbigay-halaga sa kanila,” komento ni M. Santos.

Imahe mula sa Facebook | Chricelda Mariz Red

Sabi naman ni J. Perez, “Alam ng dogs kung paano mag-pay ng respect sa mga taong namatay na nagpakita sa kanila ng kabutihan. Condolence po.”

“Feed a dog for three days, the dog will remember you for three years. Feed a man for three years, the man will forget you in three days,” dagdag naman ni Dan L.

Condolences sa pamilya ni lolo Eduardo!

Loading…