Law student nakatanggap ng law books bilang Valentine’s gift

Imahe mula sa Facebook | Malia Annellie Laynes
  • Pangmatagalan ang natanggap na Valentine’s gift ng isang law student mula sa kaniyang nobyo
  • Bukod sa bulaklak ay binigyan din siya nito ng law books
  • Aniya, masaya siya dahil sinusuportahan ng kaniyang boyfriend ang kaniyang pangarap

Hindi tipikal na bouquet ng bulaklak ang natanggap ng isang third year law student mula sa kaniyang nobyo para sa Araw ng mga Puso kundi isang kahon na naglalaman ng mga rosas at libro na magagamit niya sa kaniyang pag-aaral.

Imahe mula sa Facebook | Malia Annellie Laynes

Bagama’t nahuli ang surpresa para kay Malia Annellie Laynes ng kaniyang boyfriend na si Eugene Barrogo Jr. ay masaya raw siya dahil kita sa regalo nito ang pagiging supportive sa goals ni Malia.

“A bit late but I can’t contain my happiness for being blessed with a man who supports me with my goals and dreams. Thank you so much for granting me eight books from my wish list,” ani Malia. “This is way better than a bouquet of flowers and chocolates.”

Kuwento pa ni Malia sa Philippine Star, huling linggo pa lang ng Enero ay tinanong na siya ng boyfriend na seafarer kung ano ang gusto niyang matanggap.

“Ayun, gumawa ako ng wish list ko for Valentine’s and pili na lang siya dun kung ano gusto niya ibigay sakin included na dun ‘yong books ko for law school, highlighters or kung ano pang school supplies,” salaysay niya.

Imahe mula sa Facebook | Malia Annellie Laynes

Nang sumapit ang Araw ng mga Puso ay hinarana raw siya ng nobyo sa pamamagitan ng Instagram stories. Akala niya raw ay iyon na ang pakulo ni Eugene ngunit ilang araw matapos ang Valentine’s Day ay dumating ang isang box na naglalaman ng mga bulaklak at libro.

Masaya raw siya dahil napaka-supportive ng kaniyang boyfriend at naiintindihan nito kapag nagiging sobrang abala siya sa pag-aaral.

“I’m really blessed and thankful na very understanding siya sa time ko sa studies and very supportive. Kahit di na kami makapag video call okay lang sa kanya, matapos ko lang ‘yung case digest ko,” sabi niya pa.

Loading…