Love story ng Pinoy couple na na-COVID at isa lang ang nakaligtas, itinampok sa New York Times

Imahe mula sa Facebook account ni Sean Luke Dado
  • Itinampok sa Tiny Love Stories ng New York Times ang love story ng mag-asawang Sean Luke at Hazel
  • Kinaantigan ng mga mambabasa ng Tiny Love Stories ang ginawang paglalahad ni Sean Luke Dado sa pagmamahalan nila ni Hazel na inagaw sa kanya ng COVID-19 noong July 30, 2020
  • “Now I Know Why” ang pamagat ng isinulat ni Sean Luke Dado para sa Tiny Love Stories

Itinampok sa New York Times ang love story ng mag-asawang Pinoy na kapwa dinapuan ng COVID-19, ngunit isa lang sa kanila ang pinalad na makaligtas.

Imahe mula sa Facebook account ni Sean Luke Dado

Ang kuwento ng pagmamahalan ni Sean Luke Dado at asawang si Hazel ay na-feature sa “Tiny Love Stories” section ng New York Times kung saan ang bawat istorya ay inilahahad sa hindi lalampas sa 100 words.

Kinaantigan ng mga mambabasa ng Tiny Love Stories ang ginawang paglalahad ni Sean Luke Dado sa kanyang pagkuwestyon sa desisyon nilang magpakasal sa murang edad, sa kabila ng mga pag-aalinlangan sa kakayahang magpamilya at ang pagiging lolo at lola nila ni Hazel sa edad na mid-40s pa lang.

Nagkaroon ng kasagutan ang katanungan kung bakit sila maagang nagpakasal ni Hazel nang agawin sa kanya ng COVID-19 ang pinakamamahal na kabiyak noong July 30, 2020.

Pinamagatan niya ang ipinadalang istorya sa Tiny Love Stories ng “Now I Know Why.”

Sinabi ni Sean Luke Dado sa panayam sa kanya ng GMA na ang pamangkin niyang nasa New York ang nag-engganyo sa kanya na ipadala sa “Tiny Love Stories” ang kuwento nilang mag-asawa at agad naman umanong nagka-interes ang editor niyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Sean Luke Dado

Nag-email daw sa kanya ang editor at humingi pa ng mga detalye, Napili raw ang istorya nila at itinampok ito hindi lang sa online publication kundi maging sa printed publication ng New York Times.

“I’m happy because more readers will be able to know that there once was a person named Hazel, who was full of life and joy and kindness, but was not blessed by God to have a long life. So whatever time God gives people, they should be grateful for it, because some people’s journey are shorter than others,” wika ni Sean Luke Dado.

Narito ang akda niyang “Now I Know Why:”

“After Hazel and I got married at the ages of 20 and 21, I questioned our judgment in choosing to marry so young. When we had a baby soon after, I wondered how I could possibly support a family. In our mid-40s, I thought we were too young to become grandparents, though our grandchildren are lovely. Then when Hazel passed away at 50 from coronavirus, I finally realized why we got married so young: We weren’t meant to grow old together. And I am grateful for our time.”

Imahe mula sa Facebook account ni Sean Luke Dado

At narito naman ang ilang komento ng mga nakabasa ng kanilang love story:

“Just wow.”

“This completely broke my heart.”

“There’s a story behind every one of the half-million de*ths and if I had to know even the merest fraction of them it would destroy me.”

“This is crushing.”

“So deeply sad.” But we have to agree with what Sean said. Perhaps that is why their journey as a couple started so early.

 

Loading…