Love story ng Pinoy na may foreigner na girlfriend, kinakiligan

Imahe mula sa Facebook | Eat Bulaga at Vikachka and Eugene
  • Kinilig ang netizens sa kwento ng isang Pinoy at ng kaniyang Lithuanian girlfriend na nakilala niya sa isang social networking site na Facebook
  • Ngayon ay magkasama na sila sa Pilipinas
  • Tatlong taon at anim na buwan na silang magkasintahan

Pinatunayan ng isang Pinoy at ng kaniyang girlfriend na foreigner na walang pinipiling lahi ang pagmamahal.

Ibinahagi nina Eugene Galang at Vika Radaviciute ang kanilang love story sa Bawal Judgmental segment ng noon-time show na Eat Bulaga.

Imahe mula sa Facebook | Vikachka and Eugene

Kuwento ni Eugene, nagkakilala sila sa social networking site na Facebook. “Hindi siya ‘yong direkta kong nakilala. Una ko pong nakilala yung friend niya. Ang balak ko kasi kaibigan muna tapos hanggang sa ma-develop, pero na-feel ko sa friend niya, wala talagang interes. Kaya naghanap ako sa friends niya, nakita ko siya,” pagbabalik-tanaw niya.

Naaliw raw si Vika sa pakikipag-usap kay Eugene dahil madaldal ito. “My reaction when Eugene sent me a message was he’s very kind and he’s very talkative and he knows how to have a good conversation,” sabi nito.

Naging hamon daw ang layo para sa kanila lalo na at may anim na oras na pagitan sila ngunit gumagawa raw ng paraan si Eugene upang ipadama kay Vika na mahalaga siya.

“‘Yon kasi yung feeling ko kailangang kailangan ko para ‘yung panliligaw ko maging okay na talagang lagi ko siyang mapapasaya… Hindi siya tatamarin saka minsan kapag hindi ako nakapag-chat sa kaniya dapat mapa-feel ko sa kaniya na nami-miss niya ‘yong ganoong conversation kaya talagang puro puyat inabot ko.”

Noong sila na ay dumaan muli sa hamon sina Eugene at Vika dahil sa pagkakaiba nila ng relihiyon.

“Si Vika kasi laking Jewish talaga tapos ako kasi strict ‘yong parents ko, religious ‘yong parents ko na Roman Catholic kaya doon nagkaroon kami ng conflict. Sabi ng parents ko, ‘wag. Tapos siya rin, ayaw niya rin na magpa-convert,” kuwento ni Eugene.

Imahe mula sa Facebook | Vikachka and Eugene

Sa halip na tuluyang maghiwalay ay nag-isip sila ng paraan upang magkaroon ng kompromiso.

“I didn’t expect that that could happen, that we will leave each other just because of the religion or culture differences. When we knew that we couldn’t really be together because of religion, it was so hard,” sabi naman ni Vika.

“We cried a lot and we didn’t know what to do, but good thing, we found a solution and we had a compromise on that and Eugene made me believe in God, in Jesus and my faith is only getting stronger and stronger.”

Ngayon ay tatlong taon at anim na buwan na silang magkasintahan at narito na rin si Vika sa Pilipinas. Nagpasalamat din si Eugene sa mga magulang ng kasintahan dahil ipinagkatiwala nila si Vika sa kaniya.

“Maraming, maraming salamat po dahil pinagkatiwala n’yo po sa akin si Vika at pasensiya na po dahil maaga ko pong kinuha siya sa inyo… ‘Wag po kayong mag-alala, mamahalin ko po siya, hindi man gaya ng isang magulang pero kakayanin kong tapatan.”

Ibinabahagi ng dalawa ang kanilang buhay sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel.

Panoorin ang isa sa kanilang mga vlog:

Source :

Facebook

Loading…