Luis Manzano ibinahagi ang throwback photos ng mga magulang

  • Natuwa ang mga tagahanga ng TV host-actor na si Luis Manzano sa throwback photos na kaniyang ibinahagi sa Instagram 
  • Mga lumang larawan ito ng kaniyang mga magulang na sina Edu Manzano at Vilma Santos
  • Maganda at guwapo naman daw ang kaniyang mga magulang pero bakit nagmukha raw siyang “pusit”

Ibinahagi ng mahusay na TV host-actor na si Luis Manzano ang mga throwback photos ng kaniyang mga magulang na sina Batangas 6th District Representative at “Star For All Seasons Vilma Santos at magaling ding TV host at aktor na si Edu Manzano.

Makikita sa Instagram post ni Luis ang mga lumang larawan ng dalawa.

Imahe mula sa Instagram account ni Luis Manzano

“Maganda ang mommy, guwapo ang daddy… at yung resulta? Para akong pusit na kinaladkad ng tren eh… pambihirang buhay ‘to, hindi kaya nabagsak ako una mukha?” pabirong caption niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Guwapo ka naman Luis ah! Hunk pa. Mana ka sa mga magulang mo, kaya wala kang dapat ipag-alala,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Grabe ka naman, Luis! Kung pusit ka, ang guwapo mo namang pusit! Hot ka and guwapo, talented pa. Bakit nagda-doubt ka sa sarili mo?”

“Maganda naman ang naging resulta. Huwag kang mangamba. Paano pa kaya kami?” pabirong saad naman ng isa.

Matatandaang naghiwalay ang mag-asawang sina Vilma and Edu noon dahil umano sa pakikipag-“affair” ng premyadong aktor, bagama’t hindi naman ito kompirmado.

“We really didn’t know why and how we parted ways. We could not pinpoint the problem. It just happened. We gradually drifted apart and before we knew it, we were so far away from each other that any holding on proved to be futile,” saad ni Edu sa isang panayam ng isang blog site.

Imahe mula sa Instagram account ni Luis Manzano

“Hindi namin talaga alam kung ano ang nangyari, because had we known the root, we would not be apart from each other now.”

Sa ngayon ay masaya na sa kani-kanilang mga pamilya ang dating magkatambal at mag-asawa. Si Luis naman ay malapit na ring maging married sa kaniyang fiancee na si Jessy Mendiola.

Loading…