Magalong itinangging may ‘irrevocable’ sa kaniyang resignation letter;  isang kaibigan raw ang ‘nagtraydor’ sa kaniya

Screenshot mula sa Facebook video- Baguio PIO
  • May hinala si Magalong na isang kaibigan ang nagtraydor sa kaniya
  • Wala rin daw ‘irrevocable’ na nabanggit sa kaniyang resignation letter
  • Inamin rin ng alkalde na mayroong pagkukulang sa naganap na party

Naglabas ng sama ng loob si Baguio City Mayor Magalong matapos masangkot sa kontrobersiya noong nakaraang mga araw na nauwi pa sa pagbibitiw niya bilang contact tracing czar.

Bagama’t inamin ni Magalong na mayroon ngang pagkukulang sa naganap na party ng media personality ni si Tim Yap, mistulang may nagbabantay lang umano para magkamali sila ng kilos at ito raw ang nakita ng mga tao sa social media.

Screenshot mula sa Facebook video

“Did I do something wrong during that particular time? Yes, I did something wrong. I failed to do a spot correction,” pahayag ng alkalde sa kaniyang talumpati nitong Lunes.

Inamin rin ni Magalong, na katulad niya, maging ang kaniyang misis ay lumabag sa ordinansa ng lungsod kung kaya ito napatawan ng multa.

Ito raw ang dahilan kung kaya siya nagpasa ng resignation letter bilang contact tracing czar. Subalit wala raw nabanggit sa kaniyang sulat na ‘irrevocable’ ang kaniyang pagbibitiw.

“But it was not stated in my letter that it was irrevocable. But I posted it on social media and during interviews that my resignation is irrevocable, for the simple reason that I failed to perform my function. It’s all about accountability,” paliwanag pa ng opisyal.

Natraydor ng kaibigan?

Ibinahagi rin ng alkalde na isa sa kaniyang itinuturing na kaibigan ang hinala niyang namersonal at ‘nagtraydor’ sa kaniya.

“In fact may nagtext sakin sabi ko, ‘I was there’… and tinawagan ko ang tao na ‘yan at sabi ko ‘andun ako, ito ang nangyari,” ani Magalong.

Imahe mula sa Instagram account ni Tim yap

“I got hit left and right, the incident became something sensational, people started to come with their own speculations all over social media, over the news, there was a lot of misinterpretation, showing the Mayor socializing but in fact the truth of the matter is I was there just to express our heartfelt thanks to someone who is helping Baguio,” patuloy pa nito.

Subalit sa kabila ng ‘kasinungalingang’ kumalat, mayroong ‘silver lining’ pa rin naman daw mula sa hindi magandang pangyayaring ito.

Imahe mula sa PEP.ph

Isa umano rito ay ang lumabas na katotohanan na ang inaakala niyang mga kaibigan ay kaaway palang talaga.

“People who I trusted are actually my enemies, unleashing their social media warriors, coming up with a lot of speculations without verifying the facts; coming up with intriguing comments, destroying the reputation of someone willing to sacrifice everything for the sake of good governance,” ayon pa sa opisyal na hindi na nagbanggit pa ng pangalan.

Noong nakaraang linggo ay nag-resign si Magalong subalit sinabi nito kinalaunan na kung nais pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatuloy siya bilang contact tracing czar ay ‘di niya ito matatanggihan.

Loading…