Mahigit limang dekadang problema sa illegal vendors sa Baclaran masosolusyunan na

Imahe mula sa Entrep
  • Ilang dekadang problema sa illegal vendors sa Baclaran may solusyon na
  • Nagsagawa na ng groundbreaking ceremony ang Parañaque City government para sa pagtatayo ng People’s Market para sa libo-libong illegal vendors na apektado ng clearing operations sa lugar
  • Nangako ang MMDA na tutulungan ang city government na makahanap ng karagdagang pondo para sa proyekto

Naniniwala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na masosolusyunan na ang mahigit limang dekadang problema sa mga illegal vendors sa Baclaran sa Parañaque City.

Imahe mula kay Mayor Edwin Olivarez

Ipinahayag ito ng MMDA chairman sa site inspection at groundbreaking ceremony na isinagawa para sa pagtatayo ng Baclaran Gateway and People’s Market noong Biyiernes, ika-12 ng Pebrero.

Ang itatayong palengke sa bakanteng lote na may lawak na isang ektarya sa kahabaan ng Roxas Boulevard na nasa harapan ng Redemptorist Church ang solusyon sa tinatayang tatlong libong illegal vendors sa lugar.

“This important project is for the welfare of the people particularly the market vendors. It will not be a clearing operation in the area but this will be the ultimate solution to the problem of the city government for over 50 years,” pahayag ni chairman Abalos kasabay ng kanyang pangako na tutulong ang MMDA na humanap ng karagdagang pondo para sa proyekto.

Ayon pa kay Abalos, bukod sa mga illegal vendors ay mabibigyang solusyon na rin ang grabeng trapiko sa Baclaran.

Imahe mula kay Mayor Edwin Olivarez

Sinabi naman ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ang People’s Market ay para sa libo-libong mga vendors na naapektuhan ng clearing operations.

Ang itatayong palengke ay magkakaroon ng access sa isang istasyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension project, mayroong loading and unloading zone para sa mga public utility vehicles, overhead pedestrian crossing at malaking parking area na tiyak na malaking ginhawa para sa mga mamimili at mga vendors.

Imahe mula kay Mayor Edwin Olivarez

Loading…