Make-up transformation ni Paolo sa trending Orocan ad, hindi naging madali

Image by Orocan via Facebook
  • Paolo Ballesteros, aminadong hindi naging madali sa kanya ang gayahin si Heart Evangelista
  • Nag-suggest pa raw siya ng ibang celebrities na mas madali para sa kanya, pero ipinaliwanag na si Heart ang kailangan
  • Paolo: “Saka this ad is puro kalokohan lang kaya huwag seryosohin”

Pumatok sa masa ang kuwela at agaw-pansing patalastas ng plastic products na Orocan kung saan ginaya ni King of Make-up Transformation Paolo Ballesteros si Heart Evangelista bilang si “Hurt.” Pero, ang panggagayang ito, hindi naging madali para kay Paolo.

Image by Orocan via Facebook

Pahayag ng EB host sa PEP, naging mahirap umano sa kanyang gayahin ang mukha ni Heart dahil mas madali sa kanya at sanay siyang gayahin ang mukha ng mga Hollywood celebrity at malayo ang built ng mukha niya sa pamosong fashion icon at celebrity.

Aniya, “Yung pagpa-practice ko actually ang mas matagal kasi bihira naman ako mag-makeup transformation ng mga Pinoy. Usually mga Hollywood celebrity kaya nahirapan talaga ako, lalo na si Heart na napakaliit ng mukha at malayo talaga sa built ko.”

Pagpapatuloy niya, nang ipinresenta sa kanya ang proyekto ay nag-suggest siya ng mga Hollywood celeb at si Regine Velasquez pero nang ipinaliwanag na sa kanya na si Heart ang kailangan ay ginawa na lamang ang makakaya.

Pagpapaliwanag ni Paolo sa mga nagsasabing mas kamukha raw niya si Cebu Governor Gwen Garcia sa output.

“Naku, 2021 na! After ng mga pinagdaanan natin last year at pinagdadaanan pa rin natin ngayon, hindi masamang tumawa at tawanan ang mga bagay-bagay, lalo na ‘yung mga bagay na hindi naman makakaapekto sa mga buhay natin!”

Image by Orocan via Facebook

Sabi pa nito, “Saka this this ad is puro kalokohan lang kaya huwag seryosohin. Nung pinapanood ko nga, e, rume-Regine pa rin, e, woooohhhh!”

BASAHIN: Orocan says they ‘can’t afford Heart Evangelista’, gets Paolo Ballesteros instead to act like her

Nagsimula ang trending Orocan ad sa billboard na nagsasabing ‘pag nakabenta na sila ay may endorser na. Sinundan ng billboard na nakabenta na nga sila pero ‘di pa rin afford ‘yung sikat na endorser kaya’t kumuha sila ng kamukha.

Panoorin ang buong patalastas sa ibaba:

Loading…