Mas healthy na, Philippine-made pa: Sagana Coconut spread, palaman sa tinapay na parang butter

Imahe mula sa Sagana Coconut Spread PH
  • Sagana Coconut Spread ang healthy plant-based butter alternative
  • Ang Sagana Coconut Spread ay gawa sa 81% ng pinakapurong hydrogenated oil at pinagyaman pa ng 35% Lauric acid na nakatutulong para palakasin ang immune system
  • Lasa itong butter, mukhang butter at tulad ng butter ay puwedeng-puwede rin ito sa mga pagluluto at pagbe-bake

Gusto mo magpalaman ng butter sa mainit na pandesal na isinasawsaw sa mainit na kape, pero hindi mo magawa dahil lactose-intolerant ka? Huwag nang malungkot dahil may solusyon diyan – ang Sagana Coconut Spread.

Imahe mula sa Sagana Coconut Spread PH

Lasa itong butter, mukhang butter at tulad ng butter ay puwedeng-puwede rin ito sa mga pagluluto at pagbe-bake.

Ang Sagana Coconut Spread ay gawa sa 81% ng pinakapurong hydrogenated oil. Mayroon itong creamy buttery taste pero taglay nito ang sarap ng superfood na hindi gaanong nabibigyan ng pagkilala – ang coconut.

Bukod pa diyan ay pinagyaman ito ng 35% Lauric acid na nakatutulong para palakasin ang ating immune system dahil sa anti-microbial at anti-viral properties nito, na siyang kailangan ng lahat lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

“It’s vegan and dairy-free, made from non-hydrogenated coconut oil, contains zero trans fat and a good source of monounsaturated and polyunsaturated fatty acids that are beneficial to your heart. SAGANÀ Coconut Spread is enriched with 35% Lauric acid to help boost the immune system. It has the same flavor, consistency, and versatility of dairy butter, perfect for cooking and all kinds of baking,” saad sa website ng Sagana.

Imahe mula sa Sagana Coconut Spread PH

Bukod sa pagiging mainam nito sa kalusugan ay mas environment-friendly pa ang proseso ng paggawa ng Sagana coconut spread dahil gumagamit ito ng 70% less water at 50% less ang carbon dioxide emission.

Proudly Philippine-made ang Sagana coconut spread na ang coconut oil na ginagamit ay binibili sa iisang source sa Southern Tagalog at direktang dinadala sa manufacturing plant.

Ang Sagana ay itinatag ng Swiss-Pinay na si Sharon Cattleya Romereo-Faude at ng kapatid niyang taga-Maynila na si Shiela, kasama ang tatlong iba pa.

Imahe mula sa Sagana Coconut Spread PH

Loading…